Mga nakatagong senyales na ikaw ay isang mahirap

Poverty is a disease. A pandemic disease. For example, the dreaded disease: cancer. We must know the underlying causes of cancer. And of course, to treat that disease, we must first know that you have the disease. We must be aware of its symptoms. Many symptoms are obvious. But some, the deadliest one, are asymptomatic – meaning, we don’t feel the disease, there are no signs and symptoms, we’re not aware; but we manifest the disease already and the condition is worsening.

For that analogy, you cannot achieve financial literacy if you don’t have complete awareness of yourself, especially if you are not aware of the hidden signs and symptoms of poverty.

Ok, enough for the introduction (and the serious tone of this article.)

For this writing, I will write it in my native language (Filipino) and I intended to write it in a humorous way. I had chosen to do so, so every Filipino can easily get entertained and understand this article; because I observed many Filipinos are “asymptomatic”. My first concern is for my fellow countrymen. And all I really wanted is to increase their awareness.

Ito na talaga, “wala ng madaming palabok.”

Para sa listahan:

  • 1. Pumipila ka ng mahaba sa ATM pag araw na ng sahod.

Malalaman na natin agad na araw na ng 15 at 30 dahil sobrang mahahalata mo na pag nasa labas ka, lalo na sa mall, at sa trapik ng mga lansangan sa Maynila, at mas lalo na sa haba ng mga pumipila sa ATM machine.

Magwiwithdraw ka kahit pa yung pila sa ATM ay kasing haba ng pila sa Wowowee, o pila sa pagkuha ng NBI clearance. Kasi, naubos na kaagad ang pera mo ilang araw pa lang bago ang payday, kaya pagpatak ng araw ng sahod, dali-daling pumipila sa ATM para makakuha ng pera.

O kaya pag wala naman sa iyo ang ATM mo – nasa pamamalaga ni Misis, o kaya mas malala, nasa-sanglaan ng ATM card – isa ka sa mga interesado sa sagot sa Frequently Asked Questions pag payday na: “May sahod na ba?” O kaya, “May pumasok na ba na pera sa ATM?”

At ang masama pa diyan, yung winiwithdraw mong pera sa ATM nung araw ng sweldo, ipinangbabayad mo lang kaagad sa utang kasi naubos na ang pera mo ilang araw bago pa yung araw ng sahod. (Aray!) Ano kaya ang pinag-gagawa mo sa pera mo? “Pinapa-ikot” mo ba, in a bad way?

atm long queue philippines
Photo via Mark Obusan http://www.flickr.com/photos/53340366@N02/10390167993

 

 

  • 2. “Pag nanalo ako sa lotto” mentality

“Pag nanalo ako sa lotto, bibili ako ng sariling mansyon ko. Tapos magbabaksyon muna ako sa France. Pag balik ko, bibili ako ng sports car, yung red. Tapos mag-gogolf ako ng may madaming gwardiya, baka kasi makidnap ako.”

Tapos ang reply sa iyo ng kausap mong kontra-bida, “Paano ka mananalo? E hindi ka naman tumataya!”

Pero pag nalaman niya na tumaya ka na, kakampi mo na siya, at sasabihin, “Pre, balatuan mo na lang ako pag nanalo ka ha!” Hahaha.

Sabi nga ng bandang Kamikazee, “Libre lang mangarap, managinip ka habang gising.” Habang gising, hindi habang tulog!

Kaya ito, literal na gising na gising ang karamihan, pag may “lotto craze” (yun yung pag mataas na ang jackpot).
Tapos gising na gising yung mga nakapila, makikita mo sa mukha nila na sabik na sila manalo, parang “woooooow, sana ako na ang susunod na magiging instant milyonaryo.”

Alam mo ba na kahit hindi pa uso ang lotto noon, may sinabi na ang Diyos patungkol dito? Ang sabi sa Bibliya, sa Proverbs 13:11, “Wealth gained hastily will dwindle, but whoever gathers it little by little will increase it.”

Totoo ito! Madami ng jumackpot sa lotto ang naghihirap din pagkatapos lang ng ilang buwan at taon? Instant yaman e. Walang pinagkaiba ito sa mga dating boksingero o artista o NBA player na mababalitaan mo na lang na naghirap bigla.

Kahit sabihin mo pa na, “Pag nanalo ako sa lotto, uunahin ko ang mag-donate ng 10% ng mapapanalunan ko para sa church.”

 

  • 3. Sobrang maluho na wala sa lugar

“Ubos ubos biyaya, pagkatapos ay nakatunganga.”

“OK lang basta nasa uso.”

May mga tao na dapat silang laging “in” — may laging latest model ng iPhone o Samsung Galaxy — pero pag may emergency na walang mailalabas na pera. O baka para sa kanila, emergency ang pagkakaroon ng sale sa mall. (Oops! Natatamaan ako.)

Ok lang naman na bumili ka ng magagarbong gamit, lalo na kung “pitik” lang yun sa dami mong pera, at alam mong madali lang bawiin iyong ginastos mo (as in madali). Ang hindi lang maganda ay bili ka ng bili ng latest na gadgets o sapatos o magagarbong damit o kung ano-ano pa, pero wala ka namang emergency funds (yung totoong emergency funds ha!)

Ang mas masama, inutang mo lang naman yung pangbili mo. Bugtong bugtong hulaan niyo: “easier to swipe, harder to pay.” Tapos sabay biglang titipirin yung pagkain, o kaya nagpromissory note yung anak kasi kulang pangbayad ng tuition. Sabi nila, “your cellphone reflects who you are.” Sauce. Marketing strategy lang ito ng mga manufacturer ng cellphone. Hindi ka naman magiging mayaman sa ginagawa mo — mayabang pwede pa!

You know what’s cool? Pansinin mo yung ibang totoong mayayaman na tao diyan, hindi naman maluho, yung lumang Nokia pa rin yung gamit (basta nakakatext at tawag, pwede na). Eto kilala nyo:

jaime zobel de ayala nokia cellphone

Yan ang totoong angas!

Kaya nga sila yumaman, kasi disiplinado, at hindi sila maluho. Sabi nga ni Boy Abunda, “proud to be kuripot!”

  • 4. Pa-bonggang lifestyle

Sa picture sa ibaba, sa palagay niyo, sino sa dalawa ang may mas mataas na net worth?

higher net worth - rich or poor

 

Kahit karamihan hindi alam ang ibig sabihin ng salitang “net worth”, obvious naman ang sagot e: siyempre yung letter A. Pero maaaring mali tayo.

Madaming tao ang nagpapa-bonngga lang, mayaman kung tignan, yun pala marami rin palang utang. Negative net worth. Yung taong grasa, kahit walang assets, wala rin naman liabalities, so therefore, zero ang net worth niya — at least hindi negative! So technically, mas lamang siya sa iyo! Nagulat ka noh?

Walang problema sa bonggang lifestyle, kung talagang mayaman ka! Yung mga madalas naiinis kay Mommy Dionisa Pacquaio dahil sa mga bagong designer bag at “pa-ballroom-ballroom-na-lang” lifestyle niya, well, tanggapin niyo na na inggit lang kayo, dahil siya, madaming pera!

Etong bonggang lifestyle na tinutukoy ko ay kakambal ng pagiging maluho. Ikaw ba yung tipong “social climber” kung tawagin? Starbucks ng starbucks, gimik ng gimik, party ng party — pero uuwi rin naman na naka-jeep, makikipag-siksikan sa MRT at makikita mo rin sa sarili mo yung ibang signs ng pagiging mahirap na nakalista dito. Tapos habang umuuwi na, kakantahin ang kanta ng Yano, “Tapos na ang saya, balik sa problema.”

Tapos idadahilan nila, “YOLO!” Ewan ko kung ano meron sa expression na “You Only Lived Once.” Totoo nga, pero, hindi dapat ito maging “scapegoat” para i-justify natin ang mga alam naman natin na hindi tamang mga ginagawa natin.

Madami diyan isang kahig, isang tuka, kahit pa nakapambihis mayaman, kahit nagtatrabaho ka pa sa Ortigas Center, o sa Libis, o sa Ayala, o Bonifacio Global City. Hindi sila nalalayo sa mga blue-collar na workers. Ang napapansin ko, at least karamihan ng mga blue collar workers ay responsable sila para sa pamilya nila, katulad ng mga construction workers; kaysa naman sa mga taong nagyoyosi sa paligid-ligid, ikakalat ang cigarette butts sa gutter ng sidewalk, ifa-flash ang kanilang magarbong cellphone, at makikipag-usap sa kabilang linya gamit ang “fake accent.” (222 lang naman ang kausap, hahaha.)

Baka nga mas mayaman pa ang katulong e. Kasi may naiipon. Pag-aralan ang mga pictues  na ito:

boom panesempleyado vs inday

Sabihin na natin na medyo pilosopo ang mga illustrations na nasa taas, pero may sense naman, diba?

 

 

 

 

  • 5. Utang ng utang

Ang sagot sa bugtong sa itaas na “easier to swipe, harder to pay”, ay Credit Card.

Ito, nauna nang madalas kong banggitin ang about sa utang. Ok lang kung good debt, lalo na sa negosyo: iyon yung alam mo na maibabalik ang kapital, mababayaran mo ang utang mo, plus may tubo ka pa. Ang bad debt: Kung hindi macontrol na mangutang ng mangutang, o i-manage ang pinagkaka-utangan, nahirapan ka bayaran na ang naiisip mong solusyon is magtago na lang, something is wrong.

May kakilala ka ba na kapag nangungutang siya ay ang bait bait, pero pag siya na ay sisingilin mo na, siya pa ang galit! Sasabihin niya, “Badtrip ka naman pare e! Ngayon ka pa maniningil! Kita mo ng hirap pa ko sa pera e!”

Kung dati, yung may utang ang hindi “nakakatulog”, ngayon iba na: yung nagpa-utang ang hindi na makakatulog dahil hindi makasingil.

Masakit sa kalooban ang nakakakita ako ng ating mga kababayan na baon sa utang, lalo na sa 5-6, na parang ang tanging binabayaran lang nila ay yung interes.

Ok na yun, basta may bagong LCD TV, at Android na cellphone. (Sarcastic mode)

 

  • 6. Umaasa ka pa sa mga magulang mo kahit tumatanda ka na. At para sa mga matatanda na (mga retirado), umaasa ka naman sa anak mo.

“If you are born poor, it’s not your fault. But if you die poor, it’s your fault.” – Bill Gates

Nakakalungkot pagmasdan pag may nakikita tayong mga matatandang tao na patuloy pa rin sila nagtatrabaho — lalo na yung manual labor: mga jeepney drivers, nagbebenta ng kung ano-ano sa lansangan, etc. Tapos aabutin pa ng hating gabi dahil kailangan para mabuhay lang sila. Nakaka-awa.

I know the Lord will bless them in the afterlife. “Blessed are the poor, for theirs is the Kingdom of God.”

Saludo ako sa mga taong kahit matatanda na, ay patuloy na nagta-trabaho, dahil sila ay napaka-responsable.

Kaso lang, ito, mahirap man sabihin ito: pero in a way, responsable din naman sila kung bakit humantong silang ganon. Marahil dahil hindi nila napaghandaan ang kanilang kinabukasan, o ang retirement. O marahil ang mindset nila, “aasa na lang ako na ‘ambunan’ ako ng mga anak ko, tutal pinalaki ko naman sila. May utang na loob naman sila sakin.”

Hindi ko alam kung anong mali sa mindset nilang ito, lalo na sa mga Pilipino. Close family ties? Hindi e. Basta may mali, pasensya na kung hindi ko lang mapaliwanag, at inaamin ko yun. (Pero aalamin ko iyon!)

Ang alam ko ito ang malinaw na mali: Malaki ka na, kaya mo na magtrabaho, o minsan may trabaho na nga e, kaso umaasa ka pa rin sa magulang mo. “Palamunin” ka pa nila. O kaya “mayaman naman si Papa.” Pag hindi napagbigyan ang kagustuhan mo, ikaw pa ang may ganang magalit. Ano ka bata? Bakit hindi mo pagsikapan sa sarili mo ang mga bagay na iyong kagustuhan?

 

  • 7. Reklamo ng reklamo

Pakiramdam ng mga mahihirap ay biktima sila ng sirkumstansya —  ng dahil nakatira sa squatters’ area, ng dahil hindi nakapagtapos ng pag-aaral, etc. At ang paborito ng lahat: ng dahil sa kasalukuyang gobyerno.

“Kasalanan nanaman ni PNoy ito!”

Bakit may ibang yumayaman naman sa panahon ni PNoy e?

“Edi, kasalanan ni Gloria, Binay, Erap, ”

Bakit sila Henry Sy, sama mo na yung may-ari ng Jollibee na si Tony Tan Caktiong, yumayaman. E pare-pareho lang naman tayong set ng mga naging at kasalukuyang politiko e.

“E intsik sila e. . . E sira kasi MRT e. . . E hindi kasi ako year of the Dragon e. . . E kasi yung kapitbahay namin kasi videoke ng videoke e. . .”

Ang dami mong dahilan! Lahat sinisi mo. Reklamo ng reklamo.

Bakit hindi ka na lang magpasalamat? Buti nga may pang internet ka, nasa harap ka ng computer o kaya may hawak ka na gadget at nababasa mo itong blog. Buti nga nakakakain ka pa sa hapag-kainan. . . Madaming bagay ang dapat natin pasalamatan, pero pinipili pa natin magreklamo ng reklamo. Isipin mo ikaw ang Diyos, sinong mas bibiyayaan mo: yung taong laging nagrereklamo o yung taong laging nagpapasalamat?

Hindi dahil sa iyong kasalukuyang sirkumstansya kung bakit na-impluwensyahan ang pag-iisip mo; kundi dahil sa iyong kasalukuyang pag-iisip kung bakit na-iimpluwensiyahan mo ang sirkumstansya mo.

 

  • 8. Binabasa mo itong blog na ito

Hahaha. Ito ang twist sa article na ito. Nagbabaka-sakaling may isang “asymptomatic” signs ng poverty ka, at gusto mo itong malaman, kaya umabot ka sa puntong ito. Hahaha. Salamat sa pagbabasa, pero sorry.

Kung alam mo naman sa sarili mo na totoong mayaman ka, hindi ka naman magiging interesado sa article na ito at the first place, (unless na lang kung gusto mo makatulong sa mga mahihirap).

Pero para sa akin, hindi naman natin kasi kailangan alamin kung paano nagiging mahirap ang mga mahihirap. Paano pa kaya yung senyales ng pagiging mahirap. Bakit may magagawa ba tayo?

Alam ko na para maunawaan natin ang isang bagay, kailangan may kahit na ka-onting idea kung ano ang opposite nito. For example, kagandahan o beauty. Para ma-appreciate natin ang kagandahan, dapat alam natin kung ano ang panget. Ganoon din sa pagiging mayaman, dapat natin alamin kung ano ang pagiging mahirap. Ganito umiikot ang mundo sa simula’t sapul. Mabuti sana kung puro kagandahan at kayamanan lang ang meron sa mundo. Mga kagandahan lang ang ipinakilala sa atin. Pero hindi e.

Siguro kinontradict ko yung sinabi ko sa simula na “we must know the underlying cause of the disease.” Pero hindi na natin kailangan halukayin pa ang puno’t dulo ng kahirapan. Alam natin sa sarili natin ang puno’t dulo, kung magmumuni muni tayo. Alam natin yun sa sarili natin, at hindi sa iba. Oo nga may magagandang turo ang iba, pero na sa atin pa rin mga kamay ang ating ikakaunlad.

E pano pa kaya kung “mali” pa ang turo ng iba? Ang tendency sisisihin mo sila, kaya mali.

Ang concern natin ay ang gamot sa kahirapan. Ang concern natin ay ang solusyon sa kahirapan. At para masolusyonan ang kahirapan, kailangan magsimula muna tayo sa sarili natin para pagyamanin ito. Walk the talk.

Ang concern natin is i-appreciate ang mga magagandang bagay. Ang buhay ay maganda.

Paki-alaman muna natin ang sarili natin bago ang iba. Yun ang malaking bagay na pwede natin maitulong sa Diyos. At nang natulungan na natin ang ating sarili, saka tayo magbigay sa kapwa, mas maganda na ikaw ang maging inspirasyon sa iba. Hindi mo naman kaya ibigay ang isang bagay kung ikaw mismo ay wala nito.

Marahil ay naging judgmental ako. Pero sinulat ko ang article na ito para “Just for the sake of conversation lang,” kaya ko naisipan i-post ang aking saloobin. At hinihikayat ko ang lahat na magkumento ng kaniya kaniyang opinyon.

Respetuhin na lang natin ang mga kumento ng isa’t isa. Maraming salamat sa pagbabasa.

 

Other reads:

Or download app at Android Play Store:

as a man thinketh icon

 

https://play.google.com/store/apps/details?id=com.appmk.book.AOVVRDSNKIASPMVN#details-reviews

 

 

 

Advertisements

Published by

Brian Migue

From atheist to believer. I was constantly searching for my true purpose in Life, but now I discovered that my true purpose in Life is to search for the true purpose of Life itself.

292 thoughts on “Mga nakatagong senyales na ikaw ay isang mahirap”

  1. Di ako agree na icompare ang nagtatrabaho sa tambay. Ang nagtatrabaho, kumikilos para kumita; ang tambay, they are parasites-iba ang nagtatrabaho para mabuhay sila.

    Like

  2. Di nmn siguro masama ang minsan magluho din.. Need lng tlga ng disiplina. I myself have credit card debts pero nunka lahat paid in full, walang mintis. I have my own savings account. And even manage to get my own house…even pay all monthly expenses..naka iphone6s plus din nmn ako khit nagcocomute…Disiplina lng… 😜 I dont see anything wrong with that..mali lng ang tingin ng mga tao na porquet naka high end phone social na..nasa tumitingin lng yun….and di ko pa din masasabi na mayaman ako kasi so long na nagtatarabho ka ndi ka mayaman…😜 Tsaka ung about sa mahabang pila sa atm pag sweldo.. Grabe nmn, kung lahat may terminal ng card kahit sari sari store oh kaya jeep, taxi, bus dito sa pinas why wasting your time sa pagpila…need pa dib ng cash dito sa pinas..di lahat may terminal..hahaha like tokyo tokyo…susme…at bk…

    Like

  3. Natawa naman ako sa sinabi nya sa huli, kung binabasa mo daw article nya, for sure isa ka dun..

    Eh wala nmn ako sa mga nabanggit nya, kasi di man ako mayaman, di rin ako nagkukulang, dahil may sapat na pera para sa aming pangangailangan , iyon ay dahil di ko inuuna ang luho…

    Like

  4. Humorous nga! Haha Although pre, you might as well check what poverty really means and who defines it. It’s very subjective. Yung iba dun sa mga nakapila sa MRT, sa ATM, sa mga may lumang cellphone, yung mga construction workers, etc., you might be surprised they don’t consider themselves poor so long as their “basic needs” (according to in their own terms) are met.

    Cheers!

    Like

  5. Tingin ko hindi intension ng author na mang insulto sa mga mahihirap. Gusto nyang i emphasize yung “social awareness” para sa mga pinoy na may pagka “HerdMentality” Masakit man at nakakaguilty yung mga observation nya pero yun yung totoo. Ako guilty ako sa pagkakaroon ng senyales na mahirap pero instead na magalit o maoffend e thankful pa ko dahil may mga blogs na nagmumulat sa masasakit na katotohanan. Di kelangan maging defensive kasi alam ko sa sarili ko na totoo. Instead na magreklamo sa mga puna na may katotohanan, i will accept the truth BUT hahanapan ko ng solution.

    Like

  6. Nakarelate ako dito. Fours years ako I was at -400k. Baon.ako sa utang ng 400,000. I obtain financial freedomnthis year and I’m at positive 4M and continually growing.

    Like

  7. Nakalimutan mo iba pang ways bakit yumayaman pa lalo si Henry Sy. Contractual employment kaya no need to provide benefits. Saka di saktong pagsukli ngmga malls nila ex. 109.15 eh 110 na. Daming spare change per day nakukulimbat nila. At silang mga nasa taas na, madali lang nila paglaruan ang mga loopholes sa batas para lalo pa mapalobo yung yaman nila. At walang inheritance tax ang pinas di tulad sa japan kung saan yung mga rich kids eh di pwede pa banjing banjing lang kasi within 2 generations ubos na pera nila.

    Sana maging patas ka rin. At saka minsan din naman kasi who you know ang labanan kaya kahit anong sipag ng isang walang koneksyon eh lugi pa rin sa merong koneksyon.

    Liked by 1 person

  8. bato bato sa langit ang tamaan wag magalit. Hindi mo kasalanan na pinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo pag namatay kang mahirap pa rin. Im with the author. Andami na walang concern and plans sa finances nila. I used to be like this kind of person sa blog, but then I realized hindi ko nakikita at naeenjoy yung pinagpapaguran ko. “bakit ka may utang? Wala ka pa namang pamilyang binubuhay. Anong ginagawa mo sa sahod mo?” yan ang sabi ng daddy ko that made me realized about my future. So I settled my debts, I live within my means. If I want something badly, pagiipunan ko but not to the point na gugutumin ang sarili tulad ng iba. I made sure I have everything I could use for the future. (health insurance, life plans, house, pati st. peter). And take note, hindi po kalakihan ang pera ko. Pero I treat them as expenses. So now I can go wherever i want, eat what I want and try the things I want to try without worrying if my pera pa ako o wala pagbalik ko galing bakasyon. That’s financial stability FOR ME. Independent kahit hindi kalakihan ang sweldo.

    Liked by 1 person

  9. It’s funny how you quoted a verse and wrote this discriminating article. FYI, I’m a media student trying to get information for my upcoming project and I came across this article hoping that it would help me. It did for a while, but it annoyed me at the end. Are you a GOD to judge people and to judge your readers? Check twice, bro. May bahid ka pa ng pagka-atheist. As a Christian, I advise you to be careful on what you post. This reflects your relationship with the Lord. God bless you.

    Like

    1. @Christian: It’s hilarious you talk about ‘the writer judging people or the readers’… when you yourself actually judge the writer for being an atheist, etc. Hahahahahaha! I’m sure you’re probably making Jesus cry because of that. :-p lol. Sarcasm aside, I suggest you simply just go back to your comfort zone or bubble…. pray and ask for forgiveness for your hypocrisy. Tone down the religious fanaticism or spare people from biblical references to reinforce your points due to lack of logic (which is very common amongst your types). Just go look for other articles which don’t question your faith or avoid aspects that make you feel butt hurt. Just be a lamb and return to your so-called-religious-flock. Good luck and adios!

      To the writer….

      The masses definitely need more articles like this shoved up their butts. It may hurt their egos or elicit violent reactions from them but that can be expected. After all, denial is usually temporary…. only if they decide to open their minds, learn and eventually free themselves from mediocrity.

      Good article. Entertaining. Amusing reactions. :-p Hahahaha!

      Like

    2. he’s only posting the truth you dumbfuck.
      and don’t take it personally. He clearly stated it at first that he wanted to make the blog funny. retard.

      Like

    3. The blogger only emphasizes reality. If you are not categorized from what he mentioned, why bother comment. Dont use christianity here coz it is not really a requirement in the first place. And this has nothing to do with his relationship with our creator. Funny you said that it is discrimating. Bro! It is REALITY. And you found yourself guilty of it, dont deny it Coz you wouldnt react if you are not. Acceptance bro. Dont be too overexxagerated about it (inexxagerate ko so you would know how over exxag you are).

      Like

  10. Eh, di wow na para sa lahat ng nagcomment dito…. That proves that the writer is effective in bringing out something that can cause reactions and arguments among readers. The writer is good and the commentators are better lalo na pag pinagsama-sama ang mga ideas nyo. Others have had enough na nga, eh. Kaya enough is enough na.

    Cheers na sa ating mga anak ni Mang Juan na mahihirap. 🙂 🙂 🙂

    Like

  11. I am also a blogger(inactive nga lang) harsh nman ng nagsabi na kaya daw blogger ay walang pinag-aralan haha…para sa akin tama nman ang opinion ng author tungkol sa poverty. yun nga lang eh may mga consequences din minsan kung bkit khit anong pagsisikap eh nhihirapan tayong umangat…

    Like

    1. Tama ka adiol re: consequences sa pagkasadlak ng iba sa kahirapan. Malabo nang umasa sa otor na idiscuss pa yon kasi fan siya ni henry Sy.

      At mas lalo nya di tatalakayin yung topic kung paano pinapanatili ng simbahan na maging mahirap mga tao. Haha

      Like

  12. Fuck you sa mga negative comments. affected lang kayo. . bottom line ayusin nyo buhay nyo. Admit it. kung ano ano pinapansin nyo sa article iba naman ang gusto parating ng author, pati grammar?e ano naman naintindihan mo naman diba WTF. Pahalagahan nyo kayamanan nyo. Be wise in planning your money.

    #wfma World Financial Marketing Alliance

    Like

    1. I like this article, you know being a OFW kumikita ng almost worth 50k pesos, madalas nauubusan parin ako ng pera sa bulsa kaya binasa ko ang article na ito baka may mapulot ako…which is meron naman mga dahilan bakit naghihirap parin. Now salamat sa blogger I hope maiwasan ko na ang mga dahilan bakit naghihirap parin sa kabila ng kumikita naman ng kung tutuusin sapat na kung marunong lang mag manage ng pera…

      Like

  13. It takes one to know one. Walang originality ang nagsulat nito. We all know these things even before. Inulit ulit mo lang bro. Some are facts but some walang sense.

    Like

  14. Sana kung pipili ka ng wikang gagamitin mo, piliin mo yung masgamay mo. Nag-Filipino ka nga pero hindi mo alam kung kailan gagamitin ang “nang”. Idagdag mo na lang ito sa mga senyales ng pagiging mahirap. Dahil naniniwala akong ang matapobreng mangmang sa wika nya ay masahol pa sa mga minamata nya. And yeah, #9 nagsusulat ng blogs na tulad nito.

    Liked by 1 person

    1. ..nag”filipino” ba o “pilipino?..i think filipino refers to nationality/citizenship,baka pilipino,language/wika..hehehe..pambihira!

      Like

  15. Isang maganda at nakalilibang na obserbasyon. Pinagtalunan namin dati ang salitang “poverty” or kahirapan sa isang Pamantasan sa Maynila. Iba iba kasi ang definition ng poverty ng tao. Ang tanong is, kelan mo masasabing mahirap ka na? At gaya ng inaasahan, iba iba ang magiging kasagutan…

    Like

  16. Mga senyales na ako ay mahirap, kapag may nang-aasar sa akin na ako ay di makabili ng gusto ko 🙂 Pag-walang nakaka-asar sa paligid ko , pantay pantay kaming ginawa ng Diyos hehehehe.

    Like

  17. The author made a good observation of our populations attitude towards finances. I agree that there are a lot of Filipinos who show little to no concern at all when it comes to balancing their expenses versus their income thus keeping most of us at the bottom of the pyramid. And for some, oppotunity is just a tough challenge. Although I would also say that the author is such a blabber mouth for number 8. The article started as a brilliant eye opener and at the end I concluded that a g@y c0cksuck3r wrote this article! Enjoy reading guys.

    Liked by 1 person

  18. Very witty!
    Nicely written and ang ganda ng twist.
    Akmang akma sa maraming Pilipino ang mga diskripsyon na sinulat mo.
    Magtulong tulong tayo sa pagpapalaganap ng financial education.

    Liked by 1 person

  19. must read article…umpisahan natin aralin…karaniwan lng kc puro active income ang basehan ng hanapbuhay.aralin natin ang iba pang klase ng income..passive income..madami na po ngayon mga seminars na nagtuturo rgarding dito.. payamanin natin ang ating mga sarili sa kaalamang ito at pra maishare sa iba..wag po tau mg depend lng sa isang source of income..sulong pinoy sa pagbabago sa panananaw ng salapi!

    Liked by 1 person

  20. Yes i agree, sa western countries nga mostly basta age of 18 bahala na sila sa sarili nila, its about mentality, ako mahirap talaga noon bata pa ako isang kahig isang tuka pero nagsikap ako, nag working student ako hanggang sa makapag tapos ako ng kolehiyo yhen nakapagtrabaho ako sa iba ibang bansa, ngayon andito ako sa north america nag wowork, i can say na hindi na katulad ng dati na kahit rubber shoes di ako makabili pero ngayon binibigay ko na lang sa kapatid ko dahil may extra ako, my point is we have to pursue, keep on going, wag susuko, and of course ask guidance, wag kakalimutan si God, palaging mag pray😊

    Liked by 2 people

  21. very nice article dude! unfortunately most pinoys are financially illiterate. tapos nasa kultura pa natin yung maghahanda sa pyesta, bday, at kung ano-ano kahit mangutang.

    Liked by 2 people

  22. Sumasang-ayon ako sa sinabi ni Rea. Yung author na ito ay bias… para sabihin na ang isang mahirap na tao ay isang disease. Ipinapakita ng author sa column niya na ito ang pagdi-discriminate niya sa mga mahirap. Kawawa ka naman. Palibhasa katulad ng karamihan iniisip na pag sinabing “successful” ang isang tao, ito ay may mataas na position sa kumpanya, may magandang negosyo, o mayaman. Hihiramin ko ang sinabi ng isang management guru na si “John Maxwell”.

    Ang sabi niya: The true successful person is the person who was able to unleash the potential skills or talents that God has given him/her to use it to help other people. Kaya kahit mamatay ang isang tao na mahirap pero mas marami naman siyang natulungan na tao dahil sa paggamit niya ng talento na binigay ng Diyos ay mas successful pa kaysa sa mga mayaman at mga pilantropo. Kasi kahit mahirap na siya, siya pa rin ay nakapag bigay ng marami sa pamamagitan ng pagtulong niya gamit ang kaniyang kakayahan at talento.

    Marami sa mga taong gusto yumaman ay walang katapusan ang contentment sa buhay. Hindi sila nakukuntento sa tamang dami, bagkus naghahangad pa ng sobra-sobra. Ang mentality nila ay parating to capitalize or take advantage of the situation at parati dapat sila ang mauna na makakuha sa oportunidad o yaman. At ang parating umiiral at nagpapaikot ng kanilang buhay ay pera. At ang paghangad na ito ay walang hangganan. Dahil dito ang mga ibang tao na wala masyadong kakayahan o resources ay nauubusan ng mga magandang oportunidad at nagtitiyaga na lamang kung ano man ang matira.

    Parang ugali din yan pag may kainan — kukuha ng sobra-sobra kahit hindi naman kaya maubos ang pagkaing kinuha. Tapos ang mga tao na nasa dulo ng pila, pagdating sa buffet table ay wala nang dinatnan na pagkain. Narinig niyo na siguro na may nagsabi na “Walang maghihirap kung lahat magsisikap”. Pero sa ganitong pag-uugali ng mga gahaman sa oportunidad o yaman, ang ilan sa mga mahihirap na nagsisikap ay nauuwi sa pagsisikap na lamang para makaraos sa gutom dahil wala nang natira para sa kanila. Kung tutuusin mo ang ganitong mentalidad na always rushing to take advantage ay may negative side — ang tawag dito ay “Scarce mentality” kasi parating nasa isip na mauubusan sila kaya dapat ngayong palang makarami na ng makuha — isa itong uri ng corruption in its simplest form.

    Hindi ang pagyaman at pagkakaroon ng maraming pera ang sagot sa kahirapan… ang pagmamahal at pagbibigayan ang sagot sa kahirapan. Halimbawa… nung nakaraang malakas na lindol sa Japan, sa mga panahon na iyon mahirap kumuha ng tubig na maiinom sa isang prefecture. At nabilita sa isang foreign news channel na may isang hapon iisa na lang ang bote ng tubig niya na kulang pa sa kanya para sa buong maghapon ay inalok sa kaniyang mga kapwa na hindi niya kakilala para lahat sila ay makainom ng tubig. Lahat sila ay nagtutulungan kaya hindi nakakapagtaka kung paano nakaahon agad sa matinding sakuna ang Japan. Sa bansa natin, ang kahirapan ng tao ay nagmumula sa kahirapan sa pag-uugali ng mga taong may kaya na maging mapagbigay . Diba narinig na din natin ang kay Juan kay Juan lamang. Magbibigay lang ako pag may sobra ako. Kaya wala akong bilib sa mga pilantropo. Pinagmamalaki pa ng mga ito na marami at malaki ang naitulong nila at na-donate sa charity. Eh malamang dahil sobra sobra ang meron nila eh. Sa tingin ninyo magbibigay o magdo-donate ang mga mayaman sa charity ng sobra sobra? Kaya mas bibilib pa ako sa isang tao na walang wala pero nakatulong o nakapag-abot pa din sa iba.

    Like

    1. Hindi dahil sa iisang bote kaya kaya umahon ng Japan sa sakuna. Dahil ito sa maayos na sistema ng gobyerno nila, na may nakalaan na sa kanilang plano at tulong pag dating ng sakuna. Kaya kahit na anong lindol o tsunami, wala naman tayong nararamdaman na bumagsak to third world status ang Japan. Hindi katulad sa Pinas, magkasakuna na, magkaroon pa ng maramjng donations from kapwa Pinoy at kahit galing sa ibang international organizations, walang agaran pag ayos. Difference ng dalawang bansa? Sistema. So invalid ang example mo, para ma prove na LOVE makes the world go round.

      Like it or not, money is a powerful tool to help others and make a change. We can’t be blind to the truth and face to the ideals that LOVE and UNITY will make this world better. Tamo, no matter how UN instills that concept to every country they consult to, meron pa rin terrorists sa Middle East, matigas pa rin ang ulo ng China sa pag nakaw ng teriyoryong hindi kanila, patuloy pa rin ang holy war ng mga Muslim. Sige ipagsigawan mo yan ideals mo. Ilang taon kaya aabutin.

      Kumpara sa mga mayayaman na, sadly, may be using their money selfishly, walang kapangyarihan ang ideals mo sa pera nila. Kaya nilang bayaran lahat ng tao na yan para ipapatay tayong lahat, dahil wala lang. Wala na silang paggagastusan eh.

      Let’s not be ignorant of the power of this tool, or start hating people who have a lot of this.

      Like

      1. And for real? Pagmamahal at pagbibigayan ang sagot sa kahirapan? When you say “sagot sa kahirapan”, are you saying TOTALLY ABOLISHING POVERTY? Sa totoo lang. Magpakatotoo naman tayo, at wag tayo magbulagbulagan na 80 percent of people who are poor are poor because of being financially illiterate. Please lang. Paano ko isasave ang pamilya kong baon sa utang at halos wala ng pambili ng makakain kinabukasan gamit ang pbihirang pagmamahal ko? Dahil mahal ko sila, magnanakaw ako. Papatay ako, or magpoprosti ako. See?

        Tapos sasabihin mo, edi tayong nakaaangat ang magbigay sakanila ng pagmamahal. Paano? Edi mag ala charity. So saan mangangaling yun lilitiang mga produkto pang charity? Hindi bat consumables sila na nabili gamit ang PERA? Aba eh, baka mapatay lang nila ako pag sinabi ko, andito po ako para bigyan kayo ng BIiiiiiiiiG HUG dahil puno ako ng pagmamahal para maisalba kayo sa kahirapan. Reaaaaaalllly?

        Like

        1. Bwisit lang ako.

          Side note, magaling yjng nasulat mo, writer ng article na ito. Maraming natamaan at matatamaan. Kahit pamilya ko at magulang ko matatamaan pag pinabasa ko sa kanila ito. Pero alam mo, dahil sa mga ginawa nila kaya ngayon iniiba ko lifestyle ko. Besides having a business, nagiipon din ako. Bayad ang utang. Utang man, para sa business, kasi bawing bawi. Kaya nabasa ko ito kasi tiningnan ko kung natugma mo lahat ng senyas ng pagiging mahirap. Tugmang tugma. Ang sarap isampal sa mukha ng mga kakilala ko itong article.

          Naalala ko tuloy yung Facebokk status ng tita ko na kakapanganak lang ng pang lima nilang anak.

          Kahit mahirap kami, at least sama sama kami, masaya na kami doon.

          Ah okay. Edi masaya ka na kada magkikita tayo, kinekwento mo problema mo sa pangkuha ng tuitin ng pinsan ko? Or sa hindi mo masabihan yung anak mo na asikasuhin ang pag aaral ng kapatid niya, at suportahan na lang siya bumili ng Louis vuitton na bag. Sh******t talaga. Ang saya mo naman pra mngutang para sa panggatas ng anak mong pang lima, ni hindi mo mabayaran tuition ng dalawa mong anak.

          Kaya ganito na lang talaga ang bilib ko sa artikulo na ito. Kasi kitang kita ko yung mga taong ganito, at ewan ko ba kung anong mentalidad ng mga pilipino at bakit nagsesettle sila sa pagiging ignorante financially.

          Like

    1. Akala ko okay din ng una kong basahin, naghahanap kasi ako ng mga idea para sa essay ng anak ko. Yun na nga lang sa huli may kasamang insults sa mga readers. Medyo may kababawan ang ganitong strategy para magkaron ng maraming commentators.

      Like

  23. Paano naman ang mga head of the family? Pwede na ba namin bitawan ang obligasyon namin na paaralin ang mga nakababata naming kapatid para makapag umpisa na kaming mag ipon? At yung mga matatanda na na nagtrabaho pa rin, paano kung wala silang choice dahil magugutom ang pamilya nila pag huminto sila sa pag trabaho, may anak sila at may mga apo pero sa kanila pa rin umaasa, madali ba para sa kanila na tigilan na lang ang pag tulong sa mga anak nila para maharap naman nila ang buhay nila at makapag ipon para sa kanilang sarili?

    Anyway, I super agree with this article. Natanong ko lang naman. heheh

    Liked by 1 person

    1. Grabe nakakarelate ako.

      Nasabi ko nga sa nanay ko nung gusto ko na mag asawa, tapos siya nagmamakaawa na tutulomg din ako at ang asawa ko sa kanya sa pag tapos ng kapatid ko sa pag aaral. Patunamaa. Paano ko gagawin yung gusto ko gawin kung kakainin din ng tution ng kapatid ko yung sweldk ko sa isang buwan. Tapos malalaman kong babagsak din siya. Taeeeeeee

      Like

  24. Sa nagsulat nitong article sana gumawa ka rin ng article tungkol sa pagiging sakit ng pagiging mayaman. Kasi kung maituturing na sakit ang pagiging mahirap mas maituturing na sakit ang sobrang pagpapayaman at pagiging sakim sa kayamanan. Sa Pilipinas lalong naghihirap ang mahihirap at laong yumayaman ang mayayaman

    Liked by 1 person

  25. Lahat ng sinabi mu totoo pero kahit anu sipag ng janitor namin at mga guard ng opisina at mga nglilinis ng kalye mga contruction worker hindi sila yayaman dahil mahirap ang pilipinas! Maliit ang pasweldo!!

    Liked by 1 person

    1. kung wala ka gagawin para makaalis sa pagiging janitor or security guard kasalanan mo na yun pwede ka mag ipon habang janitor ka at mag aral para makahanap ng mas magandang trabaho hindi yung security guard ka na nga lang pagkakuha pa ng sweldo mo inom kaagad ang nasa isip mo. ikaw lang ang may hawak ng buhay mo wag ka umasa sa diyos dahil ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo para makaalis sa kahirapan kung gusto maraming paraan, kung ayaw marami dahilan

      Liked by 1 person

    2. I agree na totoo po yung sinabi ng author however hindi po naghihirap ang pilipinas its just that yung sipag at tyaga ng kasamahan nyong janitor at security guard ay nagagamit sa maling paraan. Marami pong opportunity sa labas na pwdeng magbigay ng magandang buhay sa kanila. Kailangan lang na maging open tayo sa mga opportunities na yan. 🙂

      Like

    3. Hindi po ah.. Ung janitor sa meralco dti mas myaman p mga engineers dun.. nkbli xa 1 truck n mura lng.. ngmit nia s pgbhat ng mga semento tas nplki nia nging more than 10 n truck nia and xa ay nsa construction na.. Nsa tao lng yan.. Mga ginyos lng pwede yumaman.. Hndi ginyos sa iq kundi ginyos s kpraktikalan.. sbi nga big ideas w/ small cost..

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s