Mga senyales na ikaw ay isang totoong mayaman

Salamat sa mga nagbasa (at magbabasa pa) ng aking nakaraan na article na Mga Senyales Na Ikaw Ay Mahirap.

Sa lahat nang mga nagkumento, as in sa LAHAT nang mga kumento, maraming salamat po sa inyo! I agree to everyone of you, dahil nirerespeto ko ang pananaw ng bawat isa sa atin.

Dahil alam ko ang pananaw ng bawat isa sa atin, ay tama para sa sarili nila.

We can share our opinions, pero gaya nga ng nasabi ko, and I reiterate: RESPETUHIN na lang natin ang kumento ng isa’t isa.

I didn’t mean to offend somebody. My purpose is to be an eye-opener sa mga mahihirap. When I speak of “mahirap”, it doesn’t necessarily mean na mahirap in terms of financial status. There are other forms of “riches” na mas HIGIT pa sa financial status, katulad ng kontrol sa sarili, pagkakaroon ng harmomy in all human relations, positive mental attitude, at open-mindedness sa lahat ng topic.

Hindi tayo magiging harmonious sa iba kung puro negative, at kung hindi natin sisikapin na maintindihan ang iba. Ayaw natin nang gera; pero kaya nga nagkakagera, dahil sa hindi pagkaka-unawaan at closed-mindedness. Pero kung hindi maiwasan mag differ – remember: WE CAN AGREE TO DISAGREE.

Pero ganyan talaga ang nature ng madaming tao. Hindi naman tayo nakikipagtalo ng physikalan katulad ng mga hayop. Hindi tayo tulad ng leon na siya na ang hari ng kagubatan dahil mas malakas siya sa usa, at dahil dun nasa itaas siya ng food chain. Sa halip, “kinakain” natin ang ibang tao sa pamamagitan ng tagisan ng talino, at pagmamayabang ng gamit at pera.

Pero, ang patutungo natin sa iba ay hindi naman dapat maging competition. Sa sports pwede pa, at the end of the day, laro lang naman yun. Pero what about sa totoong buhay? Most of life is not a competition — na tipong pag nakalamang ka kumpara sa ibang tao, feeling mo, “nakain” mo na yung ibang tao. Hindi ganun.

Ang TOTOONG MAYAMAN ay hindi nakikipagkumpetensya, dahil may tiwala sila sa sarili nilang kapabilidad, at hindi na nila kailangan ng approval ng iba o “kainin” pa ang iba sa argumento. Coordination. Ang TOTOONG MAYAMAN ay hindi nakikipagkumpetensya, dahil alam nilang sapat ang resources para sa lahat. Abundance. Hindi na nila kailangan “kainin” pa ang iba. Bakit pa nila kakailangananin makipagkumpetensya sa iba, kung alam nila hindi naman sila mauubusan? Instead, they CREATE, not compete. And more importantly, they truly understand other people.

For the record, I was poor myself. And I experienced all of these signs, so tama ang iba, may pinaghuhugatan nga ko. Sarcastic ako sa sarili ko. Hehe. At least, ngayon, I have a “rich” mentality. It is all in the mentality.

Lahat naman tayo gusto yumaman. Sa mga mahihirap, lahat gusto magbago ang buhay. Pero bakit mismo ang sarili, hindi mabago? Therefore, they remain bound. They remain poor.

I wrote this so I can remind myself na umiwas sa bad traits I had been gone through, of the poor habits na napagdaanan ko. And I want to speak for the people that has that same struggle too, and wake up their minds. . .

Kahit mali-mali pa grammar ko.

Basta, ang mahalaga ay ang ating personality – hindi kung paano tayo kagaling makipag-communicate, o gaano pa tayo katalino, o kung gaano pa tayo kayaman. Meron ngang iba na magaling magsalita, matalino, mayaman, nakapatapos pa ng pag-aaral, pero nanloloko naman ng kapwa, o yung classic na example: nagnakaw naman ng kaban ng bayan. Corrupt. May bilyon pero ninakaw. Mayaman nga pero nanlamang naman ng kapwa.

Kaya sa huli, ang pinakamahalaga ay sinceridad pa rin ng isang tao, lalo na kung ang layunin ay para makatulong sa iba.

Thank you and peace.

Advertisements

Published by

Brian Migue

From atheist to believer. I was constantly searching for my true purpose in Life, but now I discovered that my true purpose in Life is to search for the true purpose of Life itself.

10 thoughts on “Mga senyales na ikaw ay isang totoong mayaman”

  1. Napabilib mo ako sa lawak ng pag iisip mo. Nakakatawa lang na yung ibang tao kung mag isip parang walang isip. Kumbaga di man lang ichallenge ung utak nila na mag isip ng mas malalim sa mga nababasa nilang sulat. Mahusay ka. Great job!

    Like

  2. Marami lang sigurong NATAMAAN dun sa naunang post kaya kung makapag-react ay wagas.
    Maganda ang nilalaman ng blog mo at sana maraming tao ang ma-inspire na
    baguhin ang katayuan nila sa buhay… nakakapagod ding maging mahirap. Basta Magsikap lang at Magsipag malayo ang mararating ng Pinoy.

    Liked by 1 person

  3. Alam ko sinasabi mo pag mayaman sapat na pero sa mga developing countries malakas ang competition ng mga ibat ibang firms and industries because pag walang competition walang improvement its like ganun na un unna un alam ko naiikot lang ung cycle eh ani kung mayaman ka eh kung ung magiging susunkd sa yapak mo nalunod naspoiled mo sa iyong yaman at hindi nakapagtapos ng pagaaral? Edi magiging pariwara o walang patutunguan ang buhay nila most especially ung mga mayayaman na na nabad influence ang kanilang mga anak kaya naliligaw ang landas ng buhay nila kaya ung cycle nayan paulit ulit lang mayaman mahirap di mo naman makokontrol buhay ng magiging anak ng apo mo malay natin ganyan ganito mangyari pero ito lagi natin tandaan competition is not bad dahil because of competition lalong umuunlad ang isang bansa dahil madami sila nacocontribute and innovation is a good thing kahit mayaman ka eh kung patamad tamad ka o nalulong ka sa bisyo ano patutunguan mo? Magulang mo? Ano ka prodigal son? Wag na natin pakelaman ang developed counries dahil sikat ang kanilang kultura at mga man made na pook nila at swerte sila biniyayaan silang ganoong resources of income so we must compete sa kahit na anong larangan pa yan sports or art etc literature atleast kung wala man magawang maiidudulot ang susunod na yapak mo may naicontribute ka o naiambag sa inang bayan so keep on doing what your passiom calls you evem this blog malay natin maging sikat ka na author ng libro in 5 years or so.

    Liked by 1 person

  4. Tama ka.. Agree ako sa dalawang article mo.. Mayaman o mahirap? Who cares? Sa paningin naman ni Lord pantay pantay tayo at ang tunay na yaman ng tao hindi nasusukat sa pisikal na anyo, pera o ariarian. Ang tunay na yaman ng tao ay nasusukat sa relasyon nya sa kanyang kapwa at sa pag-ibig sa kaya niyang ibahagi sa mundo.. 😊 ❤️❤️❤️

    Liked by 2 people

  5. agree ako sa sinabi mo,tama ka! pareho tayo ng pananaw tungkol sa tunay
    na mayaman! At kung mahirap ang buhay ng isang tao, pwede nya mabago ang buhay niya, kung gusto niya ( at tulong ng Dios)!

    Liked by 2 people

    1. True pero dahil s crab mentality kaya tayong mga pinoy mismo ang ngsisiraan. Kaya mas lalong humihirap at hatak pababa imbes na itulak paangat. Tama ba ko??

      Liked by 1 person

      1. Very informative and I agree ang katayuan ng bawat tao ay laging nakasalalay sa lawak ng isip niya n mag porsige at magsikap at mamuhay ng simple . Hindi umayun s takbo ng Bagong Henerasyon n magpasikat dahil may bagong Gadget n pang porma . Ang mamuhay ng simple, mag ipon pra s kinabukasan at maging bukas palad ang mga kamay upang makatulong s kapwa at higit s lahat ang laging magpasalamat s Diyos n nagpapala s atin . Ito ang dapat maging karakter o dapat taglayin ng bawat isang pinoy na Maipagmamalaki ng kahit sino saan man makarating ‘maging simple pero marunong s buhay ‘

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s