Cellphones, cellphones, cellphones
Nagsimula sa “pangkayod ng yelo” to text jokes
Wala pang unli noon, pinakamurang load, 300 prepaid
Pag nagreply ka ng “K”, matuturingan ka nang rich-kid
Space impact at snake
Beat mo top score ko na 2 thousand and 8
Pa-bluetooth ng sex scandal
Kahit memory card ko 128MB lang
Hanggang nagka-camera at mp3
Touch screen at QWERTY, katulad ng Blackberry
Nagkaroon ng WiFi: Android saka Iphone
Sama mo na made in Divisoria – ang ChinaFong
Napakadaming gamit, parang magic
Isipin mo may incredible powers ka at lahat one click
Imagine mo kung nabuhay ka nung 18th century
Sasabihin mo, cellphones? Parang imposibleng mangyari
Itong teknolohiya naman kasi, ang galing nga naman
Pwede tayo mag-usap usap kahit saan lupalop pa man
Pwede ka magcheck ng status ng iyong mga kaibigan
O Cellphone, paano kaya tayo mabubuhay pag wala ka diyan?
Pwede ka mag games pag nainip ka
Feeling mo alam mo na lahat basta i-Google mo lang
Sa harap ng screen, pwede mo i-share sa buong mundo ang iyong nafi-feel
Kaso paano na kaya, naging digital, imbis ang tunay na “human feel?”
Lahat ng bagay pag nasobrahan ay nagiging mali
Sa isang gadget, masyado na ata tayo nawiwili
Masdan mo ang pamilya, kahit grupo ng magkakaibigan
Magkakaharap nga, pero hindi naman nagpapansinan
Nasabi ko sa previous blog ko na “your cellphones reflect who you are” – na marketing strategy lang iyon ng mga cellphone companies. Well, bakit nga ba nila nasabi iyon?
Simple lang naman ang sagot: mas magmumukhang “mas mayaman” ka pag maganda ang phone mo. Yung iba, bibili ng latest na phone na mas mahal pa kaysa sa monthly sahod nila. Pero kung na “full potential” mo ang phone mo, sulit naman, diba? Madaming features, therefore, mas “cool” ka. Kung natatandaan ko, sabi nga sa novel ni Dan Brown na The Lost Symbol, pag gumamit daw tayo ng cellphones ay para na tayong may Godlike powers. Ayos, diba?
Wag lang natin abusuhin.
Recently, I stumbled upon a great article that helped me na ma-recur ang idea ng mga effects of cellphones in our society, lalo na yung mga negative effects. It’s a blog by penpowersong, and I end up commenting it. Mababasa sa ibaba ang aking naging kumento:
Sa comment na ito, nabanggit ko ang napakagandang pelikula na Wall-E, dahil pinapakita sa movie na ito ang magiging posibleng negatibong epekto ng teknolohiya sa ating future. Maitatanong mo, kung nag-uumpisa na ba natin maramdaman ang destruction of our human society?
Bukod sa mga nabanggit kong mga negative effects ng cellphones, katulad nang yung mga magkakaibigan, mag-asawa, magkapamilya na hindi nagpapansinan dahil abala sa kanilang cellphones (misan nag-aaway pa nga) – may mga iba pang mga negatibong epekto ang paggamit ng cellphones, at marami pang iba! (Some, dito sa ating magiging listahan, I just go beyond cellphones.)
Hindi ko naman itinatago na minsan gawain ko ito. At least AWARE na ko, at gusto kong i-SHARE sa inyo ang aking mga obserbasyon para maging aware din kayo.
- Imbis na magdasal tayo bago kumain, ngayon nakakalimutan na natin ito gawin, pero naalala natin mag take pictures na lang. Haha. Then selfie. Post sa Facebook, Instagram, Twitter, lahat lahat na! Kahit mabagal wi-fi hihintayin pa natin ma-upload. What the..? Gutom na yung kasamo mo uyy!
- Sa mga may-ari ng resto, ang tagal na ngayon mabakante ng isang upuan. Paano nakikigamit pa ng free wi-fi yung customers, (kahit tubig lang naman ang inorder)! Hahaha. Pati yung mga waiter, na-aabala. Imbis na kumuha ng order at magserve lang ng food ang trabaho nila, nagiging photographer na rin! Maski wala na sa EDSA at nasa work na, “nata-trapik” pa din ang waiter. Hehe. Tapos magrereklamo tayo kung bakit mabagal ang serbisyo? Nyak!
- Sa maling paggamit ng cellphone, pati productivity ng trabaho natin, bumabagal. I-i-style pa tayo: na kunwari seryoso sa trabaho, patadyak-tadyak pa sa mesa na akala ng iba nagkamali sa Excel o sa pag AutoCad – yun pala nagkamali lang ng moves sa Candy Crush o Clash of Clans. Naglalaro lang pala!
Minsan din, seryoso ka na ngayon sa trabaho: nag-uupload ka ng files sa email, kaso ang bagal. Yun pala yung kasama mo nanonood lang sa YouTube! Haha. Hindi nga naglalaro, net naman ng net ng kung ano-ano. Wala rin! Haha. Mapa-games o mindless internet: cause of distractions. Cause of delay pa tayo sa productivity ng kumpanya mo.
- Dahil maliit lang ang cellphone, kaya ito dalhin sa CR. Unlike TV, o portable DVD Player. . .(o guys, you know what I mean na, hahaha) . . .para makaraos. Akala natin OK lang naman, until I found out recently, masama pala ito, kasi nalaman ko ngayon-ngayon lang na sabi sa Bibliya.
Basahin natin ang Matthew 5:28 ng King James Version:
“But I say to you that whoever looks to a woman to LUST for her has already committed adultery with her in his heart.”
Oh no… Goodbye Maria Ozawa!
- Maangas ka magcomment sa iba dahil hindi mo naman nakikita sa harapan mo yung “inaasar” mo e. Hindi tayo takot. Hindi naman lalabas yung kamay ng inaasar mo sa monitor mo at bigla kang sasapakin. (Ask online DOTA players na laging nagta-trashtalk, o sa ibang online games; pwede rin maski sa ibang articles at comment box.) The thing is, it promotes disharmony.
- Sa pampublikong sasakyan, katulad ng MRT, bus, o airplane – hindi mo na kailangan obligadong kausapin ang katabi mo pangtanggal inip. Andiyan naman ang cellphone e. Ang epekto, nawawala na ang “human interaction skills” natin. Pero don’t talk to strangers ika-nga. Hahaha. Pero lahat naman ng nakikilala natin, naging strangers din sila dati. Malay natin, yung stranger na yun ngayon, yun pala magiging asawa mo in the future.
Ok lang, may online dating naman ngayon e.
Sabagay, may ibang tao na introvert. Lalo na mga long hair at rakista, o emo, mapababae o lalake – gusto nila naka-malaking headphones na parang nagsasabi, “Don’t talk to me! Can’t you see I’m listening to music?! I want to be alone!” Pero yung nasilip mo na yung device nila, playlist naman ni Sarah Geronimo yung pinapatugtog. Hahaha. (Thanks, hindi ako nag-iisa.) Pero kahit pareho pa tayong may idol kay Sarah G., at may common interest, hindi pa rin madaling magka-approachan, kasi naka-headphones nga e.
- Imbis na matuto tumugtog nang totoong musical instrument, sa apps na fake drums na lang tayo tumutugtog, o piano simulation. Mas malala, sa Guitar Hero lang magaling! Justin Bieber pa ang piniling tugtog. Haha.
- Nakakalimutan na natin bumuklat ng libro. Yung totoong libro! Hindi e-book. Haha. Sabagay mas environmental friendly nga naman daw ang e-book, kasi hindi na gagamit ng papel, hindi na puputol ng puno. Nyak.
- Ang mga bata ngayon, hindi na marunong maglaro ng classic na mga laro tulad ng tumbang preso, taguan, jolens, luksong baka, patintero, at iba pa. “Boring stuff” na sa mga bagong henerasyon ngayon yun. Saka boring na rin yung kite flying, at laro na pini-pitpit yung tansan tapos bubutasan sa gitna, saka lalagyan ng sinulid at papa-ikutin. (Ano tawag sa laro na yun?) Hahaha.
- (At ang idadagdag niyo pa sa comment box. Alam ko may maganda pa kayong example.)
In parting words: Hindi naman masama ang cellphones, pero lahat ng bagay pag nasobrahan, pagkina-adikan na natin, nagiging masama. Sabi nga sa paboritiong movie ko na Fight Club,
“The things you own, end up owning you.”
P.S.
Maraming salamat sa pagbabasa ng aking mga articles, sa mga tumatangkilik ng aking blog. Pati na sa aking ginawang flip-top tula na nasa itaas. Naisip ko mas madali kasing basahin pag magkaka-rhyme at may stanza. Kahit trying hard, at least I am trying to emphasize a point. Wag lang maging Busta Rhyme – basta nag-rhyme OK na. 🙂
Very well said mr Brian 🙂
LikeLike
thank you metropalaboy!
LikeLike
Great article! I love your blog! Makatotohan!
LikeLike
Salamat po! Kayo rin po sir, maganda rin yung nga articles niyo sa link, although hindi ko pa nababasa lahat. ang dami na kasing laman ng blog nyo po, ang galing!
LikeLike
Reblogged this on penpowersong and commented:
Ito ang mas kumpletong blog tungkol sa cellphone…
LikeLike
Mas magaling ang blog mo tungkol sa cellphone…complete with visuals pa…GREAT! GREAT! GREAT!…WORTHY OF REBLOGGING AND SHARING!
LikeLike