Datihan na empleyado: mababa sahod. Bagong empleyado: mas mataas sahod?

Kung ikaw ay isang empleyado, o naging empleyado, makaka-relate ka sa typikal na istorya na ito:

Naalala ko yung mga dating kasamahan ko sa trabaho, na kahit sila pa ang nauna sa kumpanya, they felt underpaid, lalo na pag ikinumpara nila ang sarili nila sa mga mas bagong empleyado.

via http://www.mscareergirl.com/blog/wp-content/uploads/2013/08/Underpaid.jpg

In other words, kung sino pa ang mas matagal na nagtatrabaho sa isang certain na kumpanya, kung sino pa ang naka-ilang taon na sa kumpanya – sila pa ang may mababang sahod, at hindi man lang na increasan.

Samantalang yung bagong hired, as in kaka-hired lang, ay may mas mataas pa na sahod compared sa mga nauna nang empleyado. Pareho lang naman na posisyon. Ang daya noh? And I “feel” for them sa mga dati kong kasamahan. To be honest, naiinis ako sa employer namin noon kasi nga para sa akin ay may “napatunayan” naman na yung mga dati kong kasamahan, at hindi makatarungan na kung sino pa ang bago, siya pa ang may mataas na sahod.

At para sa karamihan, ang sahod nga naman ay parang indicator ng iyong importansya sa iyong kumpanya.  Kung mas mataas ang sahod mo sa iba, pakiramdam natin ay mas nakakataas, mas magaling, at mas importante tayo kaysa sa ibang co-worker mo na kapareho lang ng iyong posisyon.

Kaya sabi ng employer na hindi dapat nagpapakitaan ng payslip ang mga empleyado sa isa’t isa, kasi magdudulot lang ito ng inggitan.

So ano ang point kung bakit ko ito nakwento? Nakalagay rin pala ang ganitong sitwasyon sa Bibliya. Ngayon ko lang din nalaman.

(Oo alam ko, Bible verses nanaman, na para sa karamihan nakakatamad basahin. Pero pag FHM hindi tinatamad. Pag chismis na article hindi tinatamad. Hehe. Sabagay mas madiling maintindihan. Unlike sa Bible ay mahirap, pag may mga salitang katulad ng mga “thou”, “ye”, “thee”. Kaya Contemporary Easy-to-read English na Bible verses na lang ang ilalagay ko.)

Narito ang istorya.

Basahin natin sa Matthew 20:1 -16,

As Jesus was telling what the kingdom of heaven would be like, he said:

Early one morning a man went out to hire some workers for his vineyard. After he had agreed to pay them the usual amount for a day’s work, he sent them off to his vineyard.

About nine that morning, the man saw some other people standing in the market with nothing to do. He said he would pay them what was fair, if they would work in his vineyard.  So they went.

At noon and again about three in the afternoon he returned to the market. And each time he made the same agreement with others who were loafing around with nothing to do.

Finally, about five in the afternoon the man went back and found some others standing there. He asked them, “Why have you been standing here all day long doing nothing?”

“Because no one has hired us,” they answered. Then he told them to go work in his vineyard.

That evening the owner of the vineyard told the man in charge of the workers to call them in and give them their money. He also told the man to begin with the ones who were hired last. When the workers arrived, the ones who had been hired at five in the afternoon were given a full day’s pay.

 The workers who had been hired first thought they would be given more than the others. But when they were given the same,  they began complaining to the owner of the vineyard. They said, “The ones who were hired last worked for only one hour. But you paid them the same that you did us. And we worked in the hot sun all day long!”

The owner answered one of them, “Friend, I didn’t cheat you. I paid you exactly what we agreed on. Take your money now and go! What business is it of yours if I want to pay them the same that I paid you? Don’t I have the right to do what I want with my own money? Why should you be jealous, if I want to be generous?”

Oh no! Kuhang kuha noh? Paano na kaya kung nakuha nila magreklamo mismo dun sa employer at ipapabasa sa kanila ang Bible verses na ito. Mabu-boom panes siguro sila. Huhu. Kahit mahirap tanggapin, oo nga naman, wala na tayo doon, kasi pera na ng employer ang pinag-uusapan, at gagawin niya kung ano ang sakaling gustuhin niya sa pera niya.

Matutuwa siguro sa akin ang mga employer at maaasar ang mga empleyado.

Bahala na kayo, e nakasulat sa Bibliya e. Kailangan lang natin ng open-mindedness. Sabi nga sa kanta ng Metallica na Nothing Else Matters, “open mind for a different view.”

Sa mga empleyado, pag-isipan na lang natin kung paano tayo makakakuha ng increase at makakakuha ng magandang recognition. Iwasan natin maging mareklamo at mainggit sa kapwa empleyado, wag manira ng iba, at wag ma-involved sa politko. Pakialamanan mo muna ang sarili mo, at huwag ang iba!

Maging positibo pa rin ang maganda mong gawin. Sa totoo lang dapat mo nga itong pasalamatan na underpaid ka. Uulitin ko, pasalamat ka at nafi-feel mo na underpaid ka – kasi mas magiging creative ka at makakagawa ka ng ibang paraan upang kumita ng pera. Madalas, yung sideline mo pa ang ikayayaman mo. Unlike sa mga nasa corpo at may mataas ng sahod, minsan kontento na sila.

The point is: Ang kagandahan sa Bibliya ay ilang taon nang nakalipas isinulat ang mga salita na narito, pero relevant pa rin sa lahat ang mga salitang nakasulat dito ngayon. Sinabi ito ng Diyos para iwas inggitan na lang – at walang first come, first serve sa langit.

Pero sabi nga sa joke, “kung lahat gustong pumunta sa langit, e bakit walang gustong mauna?” 🙂

Advertisements

Published by

Brian Migue

From atheist to believer. I was constantly searching for my true purpose in Life, but now I discovered that my true purpose in Life is to search for the true purpose of Life itself.

7 thoughts on “Datihan na empleyado: mababa sahod. Bagong empleyado: mas mataas sahod?”

  1. Nice quote there brian. At the end of the day di naman lahat pera but so long as nag enjoy ka sa work mo then money would just be a second thing…kung may bagi na mas malaki ang sahod eh di magpalibre nlng kayo..hehe

    Like

    1. Yup, tama po kayo. To quote Confucious, “Choose a job you love, and you will never have to work a day in your life.” Naniniwala ako na for those who work related to their passion are better than just working for the sake of earning money.

      Liked by 1 person

      1. Yun nga lang due to practicality and scarcity of job oppurtunity we dont have the luxury to choose a job. The new challenge is how to learn to love your job so you will not work a day in your life. Im quite sure Confucius would understand as well. 😉

        Like

        1. Yup, totoo iyan. Meron talagang scarcity, ganoon kasi ang sistema sa mundong ito. Pero tao lang din naman ang gumagawa ng scarcity. 🙂

          About sa pagiging praktikal: Maganda ang maging praktikal. Kaso baka malimutan natin iyong mga bagay na “truly matters” to you, at iyon nga yung “passion” na tinatawag. Naalala ko iyong sinasabi ni Stephen Covey (I’m paraphrasing), “you may find success that are “empty”, because your ladder might be leaning against the wrong wall.” 🙂

          Like

          1. If you will have ur own family, the “truly matters” is i guess family na and yung “passion” mo sa isang bagay shall we say basketball might be in second since you will be focusing to the success ng family mo. Para saken lang eh success is really relative, if its empty then its definitely not a success at all. Hehehe duno if i magets mo.

            Liked by 1 person

  2. pano ko po ito ishe-share sa mga kaibigan ko sa social media gaya ng fb? kasi po sigurado akong kapupulutan ito ng aral ng iba na gaya ko ding empleyado..sna po mabigyan ng chnace na ma ishare ko sa iba ang blog na ito.. 🙂 salamat po 🙂

    Liked by 2 people

    1. Hi Ms. pearl, thank you po sa pag-appreciate ng aking article na ito. Oo nga po, sana madami tayo matulungan. Upang ma-ishare, click nyo lang po yung Share This Facebook button sa itaas po (right after at the end of the article). Muli, maraming salamat po!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s