Ang kulit mo ha! Bobo ba ang Diyos?

Naalala ko ang napanood ko dati sa Wowowee, ang istorya ni Roni Cordero, isang simpleng husband. Ang kulit kasi ng asawa niya. Ilang ulit kasi siyang itinatanong ng misis niya ng “mahal mo ba ako?” E dumating sa punto na nakukulitan na siya sa tuwing ang misis niya ay nagtatanong. Ang resulta, nagsulat siya ng kanta, at pinamagatan niya itong “Hanggang”, na ikinanta ni Wency Cornejo. Malinaw na malinaw sa unang linya pa lang ng kanta, “Ilan ulit mo ng itinatanong sa kin. . .” , at doon na natapos ang pangungulit ng kaniyang misis. Pakiramdam niya kasi nagdududa ang misis niya sa pagmamahal niya sa tuwing tatanungin siya ng ganon.

Isipin mo, ikaw ay isang magaling na waiter sa isang resto. Pero yung kustomer mo, paulit-ulit niyang pinapaalala sa iyo ang kaniyang order. Nakuha mo na nga, alam mo na ang order niya, actually niluluto na nga, pero inulit ulit pa. Diba kung ikaw iyong waiter, maiinis ka pag ganun

Ganun din ang Diyos, ayaw niya na inuulit-ulit ang dasal.

Ang sabi sa Bibliya, sinabi ni Hesus na:

Matthew 6:7 (American King James Version)

“When you pray, use not vain repetitions, as the heathen do; for they think that they shall be heard for their much speaking.”

Sabi, huwag ulit-ulitin ang dasal! Bakit?

Ganito ang logic:

Diba kaya nga tayo ng fa-follow up sa isang bagay ay dahil wala tayong tiwala? Walang trust. Walang faith! Sa tingin mo, baka kasi nakalimutan na ang bagay na iyong hinihiling, at gusto mo itong ipaalala, kaya inuulit mo. Diba ganun?

Isipin niyo, iyong anak niyo, lagi niyo siya pinapa-alalahanan. Araw-araw, minu-minuto. Pero imbis na maintindihan kayo ng anak niyo, imbis na sumunod siya sa iyo, nagrerebelde, lalo na pag malaki na ang anak ninyo. Bakit? Nakulitan lang sa iyo! E pinapakita mo kasi sa anak mo na wala kang tiwala sa anak mo! You are sending a “wrong signal” to your child na hindi niya magagawa ang bagay na gusto mo, at naiisip ng anak mo, kaya paulit-ulit, dahil bobo siya. Kung may tiwala ka naman sa anak mo na magaling siya at matalino, hindi mo na kailangan ipa-alalahanan ang anak mo, diba?

Isipin mo iyong empleyado mo, pag lagi mong pinapa-alalahanan, e minamasama niya ito. Bakit?

O kung ikaw yung empleyado, tapos yung boss mo, lagi ka pinapa-alalahanan. Hindi ba maiinis ka? Sa utak mo, sasabihin mo, “hindi naman ako bobo! Para ulit-ulitin mo ako palalahanan!”

Sabi nga ni Stephen Covey, “trust is the highest form of human motivation.”

Pero pag nagdadasal na, hindi na tao ang kausap mo, kundi mas mataas pa sa tao. Diyos na ang kausap mo! At hindi bobo ang Diyos! Sa katunayan, alam niya na ang bagay na ihihiling mo, bago mo pa hilingin!

Ituloy natin sa Mateo 6:8,

“. . .for your Father knows what things you have need of, before you ask him.”

Kita mo na? E bakit pag nagrorosaryo, paulit ulit ang dasal?

Advertisements

Published by

Brian Migue

From atheist to believer. I was constantly searching for my true purpose in Life, but now I discovered that my true purpose in Life is to search for the true purpose of Life itself.

16 thoughts on “Ang kulit mo ha! Bobo ba ang Diyos?”

  1. Hindi ba kung titignan mo ang tinutukoy ng “vain repetitions” na term sa verse na yun ay mas tumutukoy sa paguulit ng mga panalangin ng walang laman, just mere saying of the words with no inward thought and reflection as to whatever prayer is being repeated. So I don’t think the bible is really saying na ang isang pious and well repeated prayer ay bawal. Just my thoughts on this topic.

    Like

    1. Natawa naman ako sa “well repeated” prayers mo. Hehehe. Hindi nga siguro bawal ang ganung tipo ng prayer but if you come to think of it, supposed to be prayers should come from the heart and not from man made verses na hindi mo naman talaga alam ang ibig sabihin. A prayer mean that you are talking to God, one on one,about your gratitude to Him, your worries, and asking for guidance for your everyday journey and more. Sabi naman sa bible (not the exact one.. just paraphrasing) eh “before you even ask the Lord about what your heart’s desire is eh alam na ni God yan” kaya I think hindi na dapat hanapin pa sa bible ang salitang “bawal ang paulit-ult” or anything like that para matauhan ang isang tao na tumigil. BTW how do you define a ‘pious prayer’ pala? I’m just wondering. B)

      Like

  2. Hi briane. I thought Ang DATING Daan ikaw kasi parang ganun na din argument mo…hehehe i think thats what is needed in Catholic religion, they may need to align on some of its thinking to be more understood nowadays. Its a big challenge though, since madami pa din very conservative on their approach. Let us pray nlng 😉

    Like

  3. Hahaha my friend! As usual napatawa mo nanaman ako pero dahil friend kita i’ll be honest, i’m agreeing on some but not on all of your points. Hahaha. Bka i- F/O mo ko ah. Hahahaha!

    Like

    1. Hi Arriane Grande! And May-may. Catholic ako, “the default religion.” Hehe. Ang religion na onti lang ang bawal. That’s why to tell you, I’m not fully practicing it. Hypocrite din ako. Haha. To be honest, atheist nga ko dati e. (Ikekwento ko rin yan sa mga next blog ko.) Hehe. But for sure, inaalam ko pa kung ano ba talaga ang basis ng pinananampalataya ko (or natin), by reading and understanding the Bible first. Mahirap naman yung sunod lang tayo ng sunod tapos bawal pala ayon sa Bibliya, (madami ganun e). Hehe. 🙂 Thank you for the comment, and oo nga, mas maganda iyong word na “panalangin.” 🙂

      Liked by 1 person

    1. Hahaha. Yes, I know, walang basagan nga ng trip. Hehe. Bahala na ang mga magbabasa, at makakakuha ng point. At the end of the day, nasa sa kanila naman din iyon e. At least they will be aware na something is wrong sa ginagawa nila, at naliligaw sila – sinabi na nga sa Bibliya na bawal e. 🙂

      Like

    1. Yes Ms. Anne, thank you! The main purpose of this article is not to offend anyone especially for those na matibay ang paniniwala sa Rosary, but atleast magkaroon ng idea iyong iba na what they’re “doing” (na paulit-ulit ang dasal), is wrong. Pero bahala na sila. Another fact: Pag sinearch nga iyong word na “rosary” sa anuman translation ng Bible walang makikita e. “No results found.” Buti pa yung onion o custard o salitang carpenter nasa Bibliya. 🙂

      Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s