Ang kulit mo ha! Bobo ba ang Diyos?

Naalala ko ang napanood ko dati sa Wowowee, ang istorya ni Roni Cordero, isang simpleng husband. Ang kulit kasi ng asawa niya. Ilang ulit kasi siyang itinatanong ng misis niya ng “mahal mo ba ako?” E dumating sa punto na nakukulitan na siya sa tuwing ang misis niya ay nagtatanong. Ang resulta, nagsulat siya ng kanta, at pinamagatan niya itong “Hanggang”, na ikinanta ni Wency Cornejo. Malinaw na malinaw sa unang linya pa lang ng kanta, “Ilan ulit mo ng itinatanong sa kin. . .” , at doon na natapos ang pangungulit ng kaniyang misis. Pakiramdam niya kasi nagdududa ang misis niya sa pagmamahal niya sa tuwing tatanungin siya ng ganon.

Isipin mo, ikaw ay isang magaling na waiter sa isang resto. Pero yung kustomer mo, paulit-ulit niyang pinapaalala sa iyo ang kaniyang order. Nakuha mo na nga, alam mo na ang order niya, actually niluluto na nga, pero inulit ulit pa. Diba kung ikaw iyong waiter, maiinis ka pag ganun

Ganun din ang Diyos, ayaw niya na inuulit-ulit ang dasal.

Ang sabi sa Bibliya, sinabi ni Hesus na:

Matthew 6:7 (American King James Version)

“When you pray, use not vain repetitions, as the heathen do; for they think that they shall be heard for their much speaking.”

Sabi, huwag ulit-ulitin ang dasal! Bakit?

Ganito ang logic:

Diba kaya nga tayo ng fa-follow up sa isang bagay ay dahil wala tayong tiwala? Walang trust. Walang faith! Sa tingin mo, baka kasi nakalimutan na ang bagay na iyong hinihiling, at gusto mo itong ipaalala, kaya inuulit mo. Diba ganun?

Isipin niyo, iyong anak niyo, lagi niyo siya pinapa-alalahanan. Araw-araw, minu-minuto. Pero imbis na maintindihan kayo ng anak niyo, imbis na sumunod siya sa iyo, nagrerebelde, lalo na pag malaki na ang anak ninyo. Bakit? Nakulitan lang sa iyo! E pinapakita mo kasi sa anak mo na wala kang tiwala sa anak mo! You are sending a “wrong signal” to your child na hindi niya magagawa ang bagay na gusto mo, at naiisip ng anak mo, kaya paulit-ulit, dahil bobo siya. Kung may tiwala ka naman sa anak mo na magaling siya at matalino, hindi mo na kailangan ipa-alalahanan ang anak mo, diba?

Isipin mo iyong empleyado mo, pag lagi mong pinapa-alalahanan, e minamasama niya ito. Bakit?

O kung ikaw yung empleyado, tapos yung boss mo, lagi ka pinapa-alalahanan. Hindi ba maiinis ka? Sa utak mo, sasabihin mo, “hindi naman ako bobo! Para ulit-ulitin mo ako palalahanan!”

Sabi nga ni Stephen Covey, “trust is the highest form of human motivation.”

Pero pag nagdadasal na, hindi na tao ang kausap mo, kundi mas mataas pa sa tao. Diyos na ang kausap mo! At hindi bobo ang Diyos! Sa katunayan, alam niya na ang bagay na ihihiling mo, bago mo pa hilingin!

Ituloy natin sa Mateo 6:8,

“. . .for your Father knows what things you have need of, before you ask him.”

Kita mo na? E bakit pag nagrorosaryo, paulit ulit ang dasal?

Datihan na empleyado: mababa sahod. Bagong empleyado: mas mataas sahod?

Kung ikaw ay isang empleyado, o naging empleyado, makaka-relate ka sa typikal na istorya na ito:

Naalala ko yung mga dating kasamahan ko sa trabaho, na kahit sila pa ang nauna sa kumpanya, they felt underpaid, lalo na pag ikinumpara nila ang sarili nila sa mga mas bagong empleyado.

via http://www.mscareergirl.com/blog/wp-content/uploads/2013/08/Underpaid.jpg

In other words, kung sino pa ang mas matagal na nagtatrabaho sa isang certain na kumpanya, kung sino pa ang naka-ilang taon na sa kumpanya – sila pa ang may mababang sahod, at hindi man lang na increasan.

Samantalang yung bagong hired, as in kaka-hired lang, ay may mas mataas pa na sahod compared sa mga nauna nang empleyado. Pareho lang naman na posisyon. Ang daya noh? And I “feel” for them sa mga dati kong kasamahan. To be honest, naiinis ako sa employer namin noon kasi nga para sa akin ay may “napatunayan” naman na yung mga dati kong kasamahan, at hindi makatarungan na kung sino pa ang bago, siya pa ang may mataas na sahod.

At para sa karamihan, ang sahod nga naman ay parang indicator ng iyong importansya sa iyong kumpanya.  Kung mas mataas ang sahod mo sa iba, pakiramdam natin ay mas nakakataas, mas magaling, at mas importante tayo kaysa sa ibang co-worker mo na kapareho lang ng iyong posisyon.

Kaya sabi ng employer na hindi dapat nagpapakitaan ng payslip ang mga empleyado sa isa’t isa, kasi magdudulot lang ito ng inggitan.

So ano ang point kung bakit ko ito nakwento? Nakalagay rin pala ang ganitong sitwasyon sa Bibliya. Ngayon ko lang din nalaman.

(Oo alam ko, Bible verses nanaman, na para sa karamihan nakakatamad basahin. Pero pag FHM hindi tinatamad. Pag chismis na article hindi tinatamad. Hehe. Sabagay mas madiling maintindihan. Unlike sa Bible ay mahirap, pag may mga salitang katulad ng mga “thou”, “ye”, “thee”. Kaya Contemporary Easy-to-read English na Bible verses na lang ang ilalagay ko.)

Narito ang istorya.

Basahin natin sa Matthew 20:1 -16,

As Jesus was telling what the kingdom of heaven would be like, he said:

Early one morning a man went out to hire some workers for his vineyard. After he had agreed to pay them the usual amount for a day’s work, he sent them off to his vineyard.

About nine that morning, the man saw some other people standing in the market with nothing to do. He said he would pay them what was fair, if they would work in his vineyard.  So they went.

At noon and again about three in the afternoon he returned to the market. And each time he made the same agreement with others who were loafing around with nothing to do.

Finally, about five in the afternoon the man went back and found some others standing there. He asked them, “Why have you been standing here all day long doing nothing?”

“Because no one has hired us,” they answered. Then he told them to go work in his vineyard.

That evening the owner of the vineyard told the man in charge of the workers to call them in and give them their money. He also told the man to begin with the ones who were hired last. When the workers arrived, the ones who had been hired at five in the afternoon were given a full day’s pay.

 The workers who had been hired first thought they would be given more than the others. But when they were given the same,  they began complaining to the owner of the vineyard. They said, “The ones who were hired last worked for only one hour. But you paid them the same that you did us. And we worked in the hot sun all day long!”

The owner answered one of them, “Friend, I didn’t cheat you. I paid you exactly what we agreed on. Take your money now and go! What business is it of yours if I want to pay them the same that I paid you? Don’t I have the right to do what I want with my own money? Why should you be jealous, if I want to be generous?”

Oh no! Kuhang kuha noh? Paano na kaya kung nakuha nila magreklamo mismo dun sa employer at ipapabasa sa kanila ang Bible verses na ito. Mabu-boom panes siguro sila. Huhu. Kahit mahirap tanggapin, oo nga naman, wala na tayo doon, kasi pera na ng employer ang pinag-uusapan, at gagawin niya kung ano ang sakaling gustuhin niya sa pera niya.

Matutuwa siguro sa akin ang mga employer at maaasar ang mga empleyado.

Bahala na kayo, e nakasulat sa Bibliya e. Kailangan lang natin ng open-mindedness. Sabi nga sa kanta ng Metallica na Nothing Else Matters, “open mind for a different view.”

Sa mga empleyado, pag-isipan na lang natin kung paano tayo makakakuha ng increase at makakakuha ng magandang recognition. Iwasan natin maging mareklamo at mainggit sa kapwa empleyado, wag manira ng iba, at wag ma-involved sa politko. Pakialamanan mo muna ang sarili mo, at huwag ang iba!

Maging positibo pa rin ang maganda mong gawin. Sa totoo lang dapat mo nga itong pasalamatan na underpaid ka. Uulitin ko, pasalamat ka at nafi-feel mo na underpaid ka – kasi mas magiging creative ka at makakagawa ka ng ibang paraan upang kumita ng pera. Madalas, yung sideline mo pa ang ikayayaman mo. Unlike sa mga nasa corpo at may mataas ng sahod, minsan kontento na sila.

The point is: Ang kagandahan sa Bibliya ay ilang taon nang nakalipas isinulat ang mga salita na narito, pero relevant pa rin sa lahat ang mga salitang nakasulat dito ngayon. Sinabi ito ng Diyos para iwas inggitan na lang – at walang first come, first serve sa langit.

Pero sabi nga sa joke, “kung lahat gustong pumunta sa langit, e bakit walang gustong mauna?” 🙂

Cellphones: from “pangkayod ng yelo”, to Godlike powers, to the destruction of human society

Cellphones, cellphones, cellphones
Nagsimula sa “pangkayod ng yelo” to text jokes
Wala pang unli noon, pinakamurang load, 300 prepaid
Pag nagreply ka ng “K”, matuturingan ka nang rich-kid

Space impact at snake
Beat mo top score ko na 2 thousand and 8
Pa-bluetooth ng sex scandal
Kahit memory card ko 128MB lang

Hanggang nagka-camera at mp3
Touch screen at QWERTY, katulad ng Blackberry
Nagkaroon ng WiFi: Android saka Iphone
Sama mo na made in Divisoria – ang ChinaFong

Napakadaming gamit, parang magic
Isipin mo may incredible powers ka at lahat one click
Imagine mo kung nabuhay ka nung 18th century
Sasabihin mo, cellphones? Parang imposibleng mangyari

Itong teknolohiya naman kasi, ang galing nga naman
Pwede tayo mag-usap usap kahit saan lupalop pa man
Pwede ka magcheck ng status ng iyong mga kaibigan
O Cellphone, paano kaya tayo mabubuhay pag wala ka diyan?

Pwede ka mag games pag nainip ka
Feeling mo alam mo na lahat basta i-Google mo lang
Sa harap ng screen, pwede mo i-share sa buong mundo ang iyong nafi-feel
Kaso paano na kaya, naging digital, imbis ang tunay na “human feel?”

Lahat ng bagay pag nasobrahan ay nagiging mali
Sa isang gadget, masyado na ata tayo nawiwili
Masdan mo ang pamilya, kahit grupo ng magkakaibigan
Magkakaharap nga, pero hindi naman nagpapansinan


evolution of cellphones
Via: http://sagamer.co.za/img/evolution-phone.jpg

Nasabi ko sa previous blog ko na “your cellphones reflect who you are” – na marketing strategy lang iyon ng mga cellphone companies. Well, bakit nga ba nila nasabi iyon?

Simple lang naman ang sagot: mas magmumukhang “mas mayaman” ka pag maganda ang phone mo. Yung iba, bibili ng latest na phone na mas mahal pa kaysa sa monthly sahod nila. Pero kung na “full potential” mo ang phone mo, sulit naman, diba? Madaming features, therefore, mas “cool” ka. Kung natatandaan ko, sabi nga sa novel ni Dan Brown na The Lost Symbol, pag gumamit daw tayo ng cellphones ay para na tayong may Godlike powers. Ayos, diba?

Wag lang natin abusuhin.

Recently, I stumbled upon a great article that helped me na ma-recur ang idea ng mga effects of cellphones in our society, lalo na yung mga negative effects.  It’s a blog by penpowersong, and I end up commenting it. Mababasa sa ibaba ang aking naging kumento:

negative effects of cellphones

Sa comment na ito, nabanggit ko ang napakagandang pelikula na Wall-E, dahil pinapakita sa movie na ito ang magiging posibleng negatibong epekto ng teknolohiya sa ating future. Maitatanong mo, kung nag-uumpisa na ba natin maramdaman ang destruction of our human society?

Bukod sa mga nabanggit kong mga negative effects ng cellphones, katulad nang yung mga magkakaibigan, mag-asawa, magkapamilya na hindi nagpapansinan dahil abala sa kanilang cellphones (misan nag-aaway pa nga) – may mga iba pang mga negatibong epekto ang paggamit ng cellphones, at marami pang iba! (Some, dito sa ating magiging listahan, I just go beyond cellphones.)

Hindi ko naman itinatago na minsan gawain ko ito. At least AWARE na ko, at gusto kong i-SHARE sa inyo ang aking mga obserbasyon para maging aware din kayo.

  1. Imbis na magdasal tayo bago kumain, ngayon nakakalimutan na natin ito gawin, pero naalala natin mag take pictures na lang. Haha. Then selfie. Post sa Facebook, Instagram, Twitter, lahat lahat na! Kahit mabagal wi-fi hihintayin pa natin ma-upload. What the..? Gutom na yung kasamo mo uyy!
  1. Sa mga may-ari ng resto, ang tagal na ngayon mabakante ng isang upuan. Paano nakikigamit pa ng free wi-fi yung customers, (kahit tubig lang naman ang inorder)! Hahaha. Pati yung mga waiter, na-aabala. Imbis na kumuha ng order at magserve lang ng food ang trabaho nila, nagiging photographer na rin! Maski wala na sa EDSA at nasa work na, “nata-trapik” pa din ang waiter. Hehe. Tapos magrereklamo tayo kung bakit mabagal ang serbisyo? Nyak!
  1. Sa maling paggamit ng cellphone, pati productivity ng trabaho natin, bumabagal. I-i-style pa tayo: na kunwari seryoso sa trabaho, patadyak-tadyak pa sa mesa na akala ng iba nagkamali sa Excel o sa pag AutoCad – yun pala nagkamali lang ng moves sa Candy Crush o Clash of Clans. Naglalaro lang pala!

Minsan din, seryoso ka na ngayon sa trabaho: nag-uupload ka ng files sa email, kaso ang bagal. Yun pala yung kasama mo nanonood lang sa YouTube! Haha. Hindi nga naglalaro, net naman ng net ng kung ano-ano. Wala rin! Haha. Mapa-games o mindless internet: cause of distractions. Cause of delay pa tayo sa productivity ng kumpanya mo.

  1. Dahil maliit lang ang cellphone, kaya ito dalhin sa CR. Unlike TV, o portable DVD Player. . .(o guys, you know what I mean na, hahaha) . . .para makaraos. Akala natin OK lang naman, until I found out recently, masama pala ito, kasi nalaman ko ngayon-ngayon lang na sabi sa Bibliya.

Basahin natin ang Matthew 5:28 ng King James Version:

“But I say to you that whoever looks to a woman to LUST for her has already committed adultery with her in his heart.”

Oh no… Goodbye Maria Ozawa!

  1. Maangas ka magcomment sa iba dahil hindi mo naman nakikita sa harapan mo yung “inaasar” mo e. Hindi tayo takot. Hindi naman lalabas yung kamay ng inaasar mo sa monitor mo at bigla kang sasapakin. (Ask online DOTA players na laging nagta-trashtalk, o sa ibang online games; pwede rin maski sa ibang articles at comment box.) The thing is, it promotes disharmony.
  1. Sa pampublikong sasakyan, katulad ng MRT, bus, o airplane – hindi mo na kailangan obligadong kausapin ang katabi mo pangtanggal inip. Andiyan naman ang cellphone e. Ang epekto, nawawala na ang “human interaction skills” natin. Pero don’t talk to strangers ika-nga. Hahaha. Pero lahat naman ng nakikilala natin, naging strangers din sila dati. Malay natin, yung stranger na yun ngayon, yun pala magiging asawa mo in the future.

Ok lang, may online dating naman ngayon e.

Sabagay, may ibang tao na introvert. Lalo na mga long hair at rakista, o emo, mapababae o lalake – gusto nila naka-malaking headphones na parang nagsasabi, “Don’t talk to me! Can’t you see I’m listening to music?! I want to be alone!” Pero yung nasilip mo na yung device nila, playlist naman ni Sarah Geronimo yung pinapatugtog. Hahaha. (Thanks, hindi ako nag-iisa.) Pero kahit pareho pa tayong may idol kay Sarah G., at may common interest, hindi pa rin madaling magka-approachan, kasi naka-headphones nga e.

  1. Imbis na matuto tumugtog nang totoong musical instrument, sa apps na fake drums na lang tayo tumutugtog, o piano simulation. Mas malala, sa Guitar Hero lang magaling! Justin Bieber pa ang piniling tugtog. Haha.
  1. Nakakalimutan na natin bumuklat ng libro. Yung totoong libro! Hindi e-book. Haha. Sabagay mas environmental friendly nga naman daw ang e-book, kasi hindi na gagamit ng papel, hindi na puputol ng puno. Nyak.
  1. Ang mga bata ngayon, hindi na marunong maglaro ng classic na mga laro tulad ng tumbang preso, taguan, jolens, luksong baka, patintero, at iba pa. “Boring stuff” na sa mga bagong henerasyon ngayon yun. Saka boring na rin yung kite flying, at laro na pini-pitpit yung tansan tapos bubutasan sa gitna, saka lalagyan ng sinulid at papa-ikutin. (Ano tawag sa laro na yun?) Hahaha.
  1. (At ang idadagdag niyo pa sa comment box. Alam ko may maganda pa kayong example.)

In parting words: Hindi naman masama ang cellphones, pero lahat ng bagay pag nasobrahan, pagkina-adikan na natin, nagiging masama. Sabi nga sa paboritiong movie ko na Fight Club,

“The things you own, end up owning you.”

The things you own, end up owning you
Via: http://nickritchielive.com/wp-content/uploads/2014/01/tumblr_mhegtuBqDN1rbv0tfo1_500.gif

P.S.

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking mga articles, sa mga tumatangkilik ng aking blog. Pati na sa aking ginawang flip-top tula na nasa itaas. Naisip ko mas madali kasing basahin pag magkaka-rhyme at may stanza. Kahit trying hard, at least I am trying to emphasize a point. Wag lang maging Busta Rhyme – basta nag-rhyme OK na. 🙂