Ang kulit mo ha! Bobo ba ang Diyos?

Naalala ko ang napanood ko dati sa Wowowee, ang istorya ni Roni Cordero, isang simpleng husband. Ang kulit kasi ng asawa niya. Ilang ulit kasi siyang itinatanong ng misis niya ng “mahal mo ba ako?” E dumating sa punto na nakukulitan na siya sa tuwing ang misis niya ay nagtatanong. Ang resulta, nagsulat siya ng kanta, at pinamagatan niya itong “Hanggang”, na ikinanta ni Wency Cornejo. Malinaw na malinaw sa unang linya pa lang ng kanta, “Ilan ulit mo ng itinatanong sa kin. . .” , at doon na natapos ang pangungulit ng kaniyang misis. Pakiramdam niya kasi nagdududa ang misis niya sa pagmamahal niya sa tuwing tatanungin siya ng ganon.

Isipin mo, ikaw ay isang magaling na waiter sa isang resto. Pero yung kustomer mo, paulit-ulit niyang pinapaalala sa iyo ang kaniyang order. Nakuha mo na nga, alam mo na ang order niya, actually niluluto na nga, pero inulit ulit pa. Diba kung ikaw iyong waiter, maiinis ka pag ganun

Ganun din ang Diyos, ayaw niya na inuulit-ulit ang dasal.

Ang sabi sa Bibliya, sinabi ni Hesus na:

Matthew 6:7 (American King James Version)

“When you pray, use not vain repetitions, as the heathen do; for they think that they shall be heard for their much speaking.”

Sabi, huwag ulit-ulitin ang dasal! Bakit?

Ganito ang logic:

Diba kaya nga tayo ng fa-follow up sa isang bagay ay dahil wala tayong tiwala? Walang trust. Walang faith! Sa tingin mo, baka kasi nakalimutan na ang bagay na iyong hinihiling, at gusto mo itong ipaalala, kaya inuulit mo. Diba ganun?

Isipin niyo, iyong anak niyo, lagi niyo siya pinapa-alalahanan. Araw-araw, minu-minuto. Pero imbis na maintindihan kayo ng anak niyo, imbis na sumunod siya sa iyo, nagrerebelde, lalo na pag malaki na ang anak ninyo. Bakit? Nakulitan lang sa iyo! E pinapakita mo kasi sa anak mo na wala kang tiwala sa anak mo! You are sending a “wrong signal” to your child na hindi niya magagawa ang bagay na gusto mo, at naiisip ng anak mo, kaya paulit-ulit, dahil bobo siya. Kung may tiwala ka naman sa anak mo na magaling siya at matalino, hindi mo na kailangan ipa-alalahanan ang anak mo, diba?

Isipin mo iyong empleyado mo, pag lagi mong pinapa-alalahanan, e minamasama niya ito. Bakit?

O kung ikaw yung empleyado, tapos yung boss mo, lagi ka pinapa-alalahanan. Hindi ba maiinis ka? Sa utak mo, sasabihin mo, “hindi naman ako bobo! Para ulit-ulitin mo ako palalahanan!”

Sabi nga ni Stephen Covey, “trust is the highest form of human motivation.”

Pero pag nagdadasal na, hindi na tao ang kausap mo, kundi mas mataas pa sa tao. Diyos na ang kausap mo! At hindi bobo ang Diyos! Sa katunayan, alam niya na ang bagay na ihihiling mo, bago mo pa hilingin!

Ituloy natin sa Mateo 6:8,

“. . .for your Father knows what things you have need of, before you ask him.”

Kita mo na? E bakit pag nagrorosaryo, paulit ulit ang dasal?

Mga senyales na ikaw ay isang totoong mayaman

Salamat sa mga nagbasa (at magbabasa pa) ng aking nakaraan na article na Mga Senyales Na Ikaw Ay Mahirap.

Sa lahat nang mga nagkumento, as in sa LAHAT nang mga kumento, maraming salamat po sa inyo! I agree to everyone of you, dahil nirerespeto ko ang pananaw ng bawat isa sa atin.

Dahil alam ko ang pananaw ng bawat isa sa atin, ay tama para sa sarili nila.

We can share our opinions, pero gaya nga ng nasabi ko, and I reiterate: RESPETUHIN na lang natin ang kumento ng isa’t isa.

I didn’t mean to offend somebody. My purpose is to be an eye-opener sa mga mahihirap. When I speak of “mahirap”, it doesn’t necessarily mean na mahirap in terms of financial status. There are other forms of “riches” na mas HIGIT pa sa financial status, katulad ng kontrol sa sarili, pagkakaroon ng harmomy in all human relations, positive mental attitude, at open-mindedness sa lahat ng topic.

Hindi tayo magiging harmonious sa iba kung puro negative, at kung hindi natin sisikapin na maintindihan ang iba. Ayaw natin nang gera; pero kaya nga nagkakagera, dahil sa hindi pagkaka-unawaan at closed-mindedness. Pero kung hindi maiwasan mag differ – remember: WE CAN AGREE TO DISAGREE.

Pero ganyan talaga ang nature ng madaming tao. Hindi naman tayo nakikipagtalo ng physikalan katulad ng mga hayop. Hindi tayo tulad ng leon na siya na ang hari ng kagubatan dahil mas malakas siya sa usa, at dahil dun nasa itaas siya ng food chain. Sa halip, “kinakain” natin ang ibang tao sa pamamagitan ng tagisan ng talino, at pagmamayabang ng gamit at pera.

Pero, ang patutungo natin sa iba ay hindi naman dapat maging competition. Sa sports pwede pa, at the end of the day, laro lang naman yun. Pero what about sa totoong buhay? Most of life is not a competition — na tipong pag nakalamang ka kumpara sa ibang tao, feeling mo, “nakain” mo na yung ibang tao. Hindi ganun.

Ang TOTOONG MAYAMAN ay hindi nakikipagkumpetensya, dahil may tiwala sila sa sarili nilang kapabilidad, at hindi na nila kailangan ng approval ng iba o “kainin” pa ang iba sa argumento. Coordination. Ang TOTOONG MAYAMAN ay hindi nakikipagkumpetensya, dahil alam nilang sapat ang resources para sa lahat. Abundance. Hindi na nila kailangan “kainin” pa ang iba. Bakit pa nila kakailangananin makipagkumpetensya sa iba, kung alam nila hindi naman sila mauubusan? Instead, they CREATE, not compete. And more importantly, they truly understand other people.

For the record, I was poor myself. And I experienced all of these signs, so tama ang iba, may pinaghuhugatan nga ko. Sarcastic ako sa sarili ko. Hehe. At least, ngayon, I have a “rich” mentality. It is all in the mentality.

Lahat naman tayo gusto yumaman. Sa mga mahihirap, lahat gusto magbago ang buhay. Pero bakit mismo ang sarili, hindi mabago? Therefore, they remain bound. They remain poor.

I wrote this so I can remind myself na umiwas sa bad traits I had been gone through, of the poor habits na napagdaanan ko. And I want to speak for the people that has that same struggle too, and wake up their minds. . .

Kahit mali-mali pa grammar ko.

Basta, ang mahalaga ay ang ating personality – hindi kung paano tayo kagaling makipag-communicate, o gaano pa tayo katalino, o kung gaano pa tayo kayaman. Meron ngang iba na magaling magsalita, matalino, mayaman, nakapatapos pa ng pag-aaral, pero nanloloko naman ng kapwa, o yung classic na example: nagnakaw naman ng kaban ng bayan. Corrupt. May bilyon pero ninakaw. Mayaman nga pero nanlamang naman ng kapwa.

Kaya sa huli, ang pinakamahalaga ay sinceridad pa rin ng isang tao, lalo na kung ang layunin ay para makatulong sa iba.

Thank you and peace.