Ang kulit mo ha! Bobo ba ang Diyos?

Naalala ko ang napanood ko dati sa Wowowee, ang istorya ni Roni Cordero, isang simpleng husband. Ang kulit kasi ng asawa niya. Ilang ulit kasi siyang itinatanong ng misis niya ng “mahal mo ba ako?” E dumating sa punto na nakukulitan na siya sa tuwing ang misis niya ay nagtatanong. Ang resulta, nagsulat siya ng kanta, at pinamagatan niya itong “Hanggang”, na ikinanta ni Wency Cornejo. Malinaw na malinaw sa unang linya pa lang ng kanta, “Ilan ulit mo ng itinatanong sa kin. . .” , at doon na natapos ang pangungulit ng kaniyang misis. Pakiramdam niya kasi nagdududa ang misis niya sa pagmamahal niya sa tuwing tatanungin siya ng ganon.

Isipin mo, ikaw ay isang magaling na waiter sa isang resto. Pero yung kustomer mo, paulit-ulit niyang pinapaalala sa iyo ang kaniyang order. Nakuha mo na nga, alam mo na ang order niya, actually niluluto na nga, pero inulit ulit pa. Diba kung ikaw iyong waiter, maiinis ka pag ganun

Ganun din ang Diyos, ayaw niya na inuulit-ulit ang dasal.

Ang sabi sa Bibliya, sinabi ni Hesus na:

Matthew 6:7 (American King James Version)

“When you pray, use not vain repetitions, as the heathen do; for they think that they shall be heard for their much speaking.”

Sabi, huwag ulit-ulitin ang dasal! Bakit?

Ganito ang logic:

Diba kaya nga tayo ng fa-follow up sa isang bagay ay dahil wala tayong tiwala? Walang trust. Walang faith! Sa tingin mo, baka kasi nakalimutan na ang bagay na iyong hinihiling, at gusto mo itong ipaalala, kaya inuulit mo. Diba ganun?

Isipin niyo, iyong anak niyo, lagi niyo siya pinapa-alalahanan. Araw-araw, minu-minuto. Pero imbis na maintindihan kayo ng anak niyo, imbis na sumunod siya sa iyo, nagrerebelde, lalo na pag malaki na ang anak ninyo. Bakit? Nakulitan lang sa iyo! E pinapakita mo kasi sa anak mo na wala kang tiwala sa anak mo! You are sending a “wrong signal” to your child na hindi niya magagawa ang bagay na gusto mo, at naiisip ng anak mo, kaya paulit-ulit, dahil bobo siya. Kung may tiwala ka naman sa anak mo na magaling siya at matalino, hindi mo na kailangan ipa-alalahanan ang anak mo, diba?

Isipin mo iyong empleyado mo, pag lagi mong pinapa-alalahanan, e minamasama niya ito. Bakit?

O kung ikaw yung empleyado, tapos yung boss mo, lagi ka pinapa-alalahanan. Hindi ba maiinis ka? Sa utak mo, sasabihin mo, “hindi naman ako bobo! Para ulit-ulitin mo ako palalahanan!”

Sabi nga ni Stephen Covey, “trust is the highest form of human motivation.”

Pero pag nagdadasal na, hindi na tao ang kausap mo, kundi mas mataas pa sa tao. Diyos na ang kausap mo! At hindi bobo ang Diyos! Sa katunayan, alam niya na ang bagay na ihihiling mo, bago mo pa hilingin!

Ituloy natin sa Mateo 6:8,

“. . .for your Father knows what things you have need of, before you ask him.”

Kita mo na? E bakit pag nagrorosaryo, paulit ulit ang dasal?

Advertisements

Kahon na may dalawang pinto

[Poem]

Napapansin ko
Pumapasok tayong mga tao
Sa isang kahon na may dalawang pinto
Upang magsabi ng ating mga nagawang kasalanan dito

Kaharap ay pari
Magdadasal ng madaming Ama Namin
Sasabihin mga kasalanan natin
At hihingi ng tawad sa Ama na nasa langit

Pero hindi ko maintindihan
Sa pari ba tayo nagkasalanan?
Bakit hindi muna sa taong nagawan
Ng iyong kamaliaan at ng kasalanan

Pagkatapos, sa iyong kwarto ka na lang
Ng sa ganun, hindi na kailangan sa simbahan
Ang Diyos na alam natin na nandiyan kahit saan
Wag mo lang ulit-ulitin ang iyong kasalanan

Susmaryosep!

Many people use the expression, “Susmaryosep.” I hate it when I hear it, even it was derived from JeSUS, MARY, and JOSEPh.

Or even the expressions, “Sus, Ginoong Maria!” Or “Panginoon ko po!”, or “O Diyos ko!”, and the like.

Come to think about it, where do we often use that line?

For example, the famous line in the song  “Pare Ko” by The Eraserheads: “O DIYOS KO! Ano ba naman ito? diba? [Bleep]-ina.”

Another example, when parents scold their child: “Susmaryosep ka namang bata ka!” (Then ended up spanking the child.)

Or, “Panginoon ko naman.. Patay tayo diyan,” as an expression in disbelief and awe. And more often, when we are complaining.

See my point?

We often not aware on what we regularly say, especially these words.  They become part of our habits. And habits do not distinguish what is good and bad. The mind just unconsciously spew it, the same principle as the slip-of-the-tounge concept.

As we had read this, we must be aware of our choice of words. We must guard our thoughts to these unconscious habits on bad use of expressions. Curse words. God does not want cursing, especially when we use His name against Him.

Why not use these expressions to good use, like “Panginoon Ko” in a grateful manner? We can say, “Panginoon ko! Salamat po!”

Diba? Mas maganda?